*Alex's POV*
Ow, Yeah another POV, sabi ko na nga ba Miss Author eh hindi mo ako matiis eh. Alabyumats. — pampam ni Alex.
Naglalakad ako papunta sa building ng High school, kahihiwalay lang namin ni bebe Andrei, dito na ako dumaan sa shortcut para mabilis akong nakarating. Habang naglalakad ako, may napansin akong mga pamilyar na lalaki..
"Hey!" sigaw ko dahilan para mapalingon sila..
Tama nga ako, kilala ko sila. Trial&Error, ang epal sa mundo ko. Bakit wala ata yung Promotor ng lahat ng kaguluhan sa buhay ko?
"Uy Alex, long time no see" si Kent
"Weh? nag college ka lang eh, Long time no see na?" sarcastic kong sagot.
"Gumaganda ka lalo Alex ha" Lloyd.
"Ganun talaga pag walang stress sa buhay" sagot ko sabay ngiti ng nakakaloko.
"Eh di ikaw na masaya, hahaha" sabat ni Kurt habang nakangiti.
"Oo naman yes! Ah teka maiba ako, ano ba yan?" sabay turo ko sa mga pinapaskil nilang kung ano, "Lost and Found ba yan? Panawagan?" Bat di nalang nila ipaTVPatrol?
"Tignan mo nalang" sabay abot sa akin ng papel ni Jam habang nakangiti.
"To the most beautiful girl in this school - Andrei Lian Imperial— eh? Andrei Lian?" gulat kong sabi.
"Oo, yung bagong gusto ni Jade" sagot ni Kurt, malamang alam niya lahat bestfriend eh. Pero—
"Si bebe? Sigurado ka?" tanong ko na ikinabigla naman nila..
"Bebe? Si Andrei?" sabay sabay nilang sabi, halatang hindi nila alam.
"Oo, Si Andrei, bebe ko, Best friend ko, bakit may angal?" sagot ko with the mataray na kilay.
They are still in the state of shock, kaya naman umalis na ako.
Tinignan ko ang papel na hawak ko, yung inabot kanina sa akin ni Jam na announcement.
"10am, canteen..hmm" sabi ko sa sarili ko.
Hindi ito pwede. Si Jade para kay bebe? No way! kailangan kong gumawa ng paraan. Ako ang pupunta sa canteen. Uunahan ko si bebe.
*Jade's POV*
Andito ako ngayon sa Underground Studio namin, hinihintay ang mga kabanda ko, inutusan ko kasi silang magpaskil ng mga prinint kong announcement para kay Andrei.
BINABASA MO ANG
Oh, Chinito! (Untitled LoveStory)
RandomSi girl, super adik sa Korea. Anything na may kinalaman sa Korea, gusto niya. Then one day nagkaroon ng chance na matupad ang pangarap niya na makapunta sa dreamland niya pero imbes na mag-enjoy siya, nasira ang bakasyon niya dahil sa isang lalakin...