Group Pairing

58 3 0
                                    

*Andrei's POV*

Kinabukasan pagkatapos namin gumala nila Kaye sa mall. Eh inagahan ko ng gising at nagprepare na para sa school.

pinaplano ko kasing dumaan sa bahay nila babe at magsorry at magpaliwanag. Hindi parin kasi siya nagrereply simula kahapon at hindi rin sumasagot sa tawag ko kagabi. Galit parin ata sa akin.

"Manong Ben si Alex po?" tanong ko sa guard nila

"Naku Andrei nakaalis na siya eh, may gagawin pa daw kasi siya kaya maagang pumasok" sagot naman niya

Imposible ang aga pa. mukhang iniiwasan ako. kaya ayun pumasok na ako mag isa.

-------------------------

Tapos na ang english namin. buti nalang at nakapag pasa na ako ng report kay Mrs. Romero para sa naging tutorial namin ni Keann nung friday. Kaya maaga ako nakapagpalit ng P.E uniform at nagpunta na sa P.E room namin.

Pagpasok ko ng classroom nakaupo na sila Dianne, Sandra at Kaye. Sa likod nila, nakaupo ang mga lalaki naming groupmates.

Cheating arrangement daw ehh esta seating arrangement daw per group. kaya siyempre dun din ako tatabi sa kanila. Pagkaupo ko saktong dating naman ni Sir Valdoz.

Ang maganda ayy gwapo palang prof namin. IAmPogay ang peg niya ehh. you know what i mean.

"Goodmorning Class, Ok, As I was checking your outputs last time. I see that there were some details that have been ommitted so, I suggest that each group should choose a social dance from the dances listed and it should be researched more futher and it will be reported by the group next meeting."

Nagsulat ako sa papel at binigay kay Keann.

ganito yung nakasulat..

"Uulitin natin ang report"

oh diba ang galing ko magsummarized. haha.

eh kasi ganito yun. Diba nga tutor ako ni Keann. At hindi pa siya ganun karunong mag English. kaya kapag English ang pagtuturo ng prof ehh isinusulat ko sa papel ang tagalog version ng lecture ng prof. Ayos ba?

Kaso minsan napapahamak ako kasi kapag wala akong klase at may klase si Keann. nakikiseat in ako sa klase niya at nagtatranslate ng lesson nila.

Kung nakakamatay nga ang tingin ehh malamang namassacre na ako kasi antatalim lage ng tingin sa akin ng mga klasmates ni Keann na babae.

"Sino ba yan?" 

"Bakit ba andito yan?"

"Naku pwede namang tayo nalang ang magpaliwanag kay keann ehh"

"Ang epal niya, di tuloy ako makalapit kay keann my labs"

"naku girl, ang panget niya naman eh sure di magkakagusto si keann diyan"

Oh, Chinito! (Untitled LoveStory)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon