Box of Memories

46 4 1
                                    

*Andrei's POV*

Monday ngayon na pero hindi ako pumasok, malamang holiday kaya ngayon. Independence day daw ehh.

10Am na pero nakahiga lang ako at yakap yakap ang super laking Teddy bear na bigay ni Alex.

tapos nagiisip,

hindi ko pa rin alam kung sino ba yung nakasayaw ko nung gabing yun. Andaming pumapasok sa utak ko hindi tuloy ako makapag isip ng maayos. Tapos oo nga pala, panu na yung report namin sa P.E. hala, lagot na.

At kung ikaw ay nakatawa

ako pa ba ay nakikita

nalilimutan ko ang itsura ko

kapag kausap na ikaw..

tumutunog ang aking kacellphonan.

*09123456789 calling*

"Noogoo seo?" (who's these please) haha kapag hindi ko kasi alam kung sino ang tumatawag sa akin ehh kinokorean ko kasi baka nantitrip lang.

"Ok, Goodbye"

tapos binabaan ko na, hindi sumasagot ehh baka wrong number o nantitrip lang talaga kasi yung mga kakilala ko alam nilang ganito ako sumagot ng tawag pag bago sa akin yung number.

*1 message received*

sender: 09123456789

"Anong address mo? pupuntahan kita diyan".

what? sino to? hala baka kidnapper to kaya tinatanong ang address namin. tapos pupuntahan ako at kikidnapin?

tapos may nagtext ulit. Yung number na naman sabi.

"Gawin na natin yung report sa P.E

-Keann"

si Keann? siya yung tumawag kanina tapos binabaan ko? hala ka! Baka magalit yun. ayy hindi. hindi pala marunong magalit yun.

pero panu niya nakuha number ko? ayy teka rereplyan ko pala.

Me: "123 bahay kubo street, somewhere there village, Malapit lang"

hindi na nagreply ulit. pati sa text antipid ehh. naku kung hindi lang kita ano ehh. haha secret ko na kung ano yun bleeh. oops teka parang may tao sa labas. Wait tingin muna ako sa salamin.

Muta- wala, ok check!

Laway- wala, ok check!

Buhok- Omaygad! Bird's nest!

Agad akong kumuha ng suklay at patakbong pumunta sa labas habang nagsusuklay.

"tao po, Lian?" Lian daw, baka si mama ang hinahanap.

"ayy pasensya po wala si ma...." napatigil ako kasi si Keann na pala yun.

Bigla akong napatapon somewhere ng hawak kong suklay. hala ambilis naman niya, katetext ko palang ehh. kamag - anak ba ito ni flash?

"ahh pasok ka" sabay bukas ko nung maliit na gate para makapasok siya.

at ayun pumasok siya ng wala man lang imik ehh.

"upo ka muna diyan, may gagawin lang ako saglit ha" yung niluluto ko kasi baka masunog na ehh lagot ako kay mama, oo nagluluto na ako kanina kaya lang bumabalik ako sa paghiga.

"Ay teka eto pala yung mga libro na hiniram ko sa library, tignan mo na rin." sabay abot kong ng mga libro sakanya.

Oh, Chinito! (Untitled LoveStory)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon