SuperFlash

20 1 0
                                    

*Alex's VP*

Masaya akong nanunuod ng paborito kong pambatang palabas ng biglang tumunog ang aking phone at makitang tumatawag si Andrei.

Teka ano nga kayang nangyari? masyado akong nawindang sa ginawa ni Jade kanina kaya nakalimutan ko na makiupdate kay bebe at Kuya Keann.

"Hello" bungad kong sagot.

"Alex, salamat, nahanap ko na siya."

"Huh? Sino?"

"Yung taong matagal ko ng hinihintay, dumating na siya. Ah hindi mali, noon pa pala."

"Ay ano daw?"

"Basta gusto ko sanang sumama ka sa amin magdinner mamaya, 7:00pm at ******* Restaurant."

"Pero—" pagtutol ko, kasi naman dinner daw "nila" mamaya tapos isasama niya ako.

"Ah basta, Hihintayin kita ha. Walang pero pero, bye" at binabaan na ako ng tawag ng mabait kong bestfriend. Hihi.

Pero bakit ganun, nang kausap ko si Andrei eh bigla akong may naramdamang kakaiba, biglang sumakit ang puso ko, katulad nung naramdaman ko kanina sa school.

Napapadalas ata itong pagsakit ng puso ko, makapagpacheck up nga, umaabnormal eh. Naku huwag naman sana akong magkaroon ng sakit sa puso.

O di kaya naman, na wag naman sana, baka gumana na naman ang power ng instincts ko, alam niyo yun, kapag may hindi magandang mangyayari eh bigla ka nalang kakabahan. Pero naku wag naman talaga sana, dahil nung huling maramdaman ko yun ay nang umalis si mallows.

So ayun nga, nagshower lang ako saglit saka nagtungo sa restaurant na sinabi ni Andrei. Naiintriga din kasi ako kung sino yung tinutukoy niya.

"Welcome maam, table for how many maam?" Tanong nung sumalubong sa akin na waiter.

Mukha ba akong madami? Hays, kapag ganitong iba ang pakiramdam ko eh sumasama din ang mood ko. Kaya dumiretso na lang ako sa loob at lumingon lingon sa paligid para hanapin si Andrei.

"Bebe" tawag ko sakanya nang makita ko siyang nakaupo sa isang lamesa at may kasamang isang lalaki na nakatalikod sa akin.

Dahil sa pagtawag ko kay Andrei, bigla tuloy siyang napalingon sa akin. Yes yes, sana mapansin niya yung new look ko.

"Alex" ayan na nagulat na ata siya sa itsura ko, nagcostume kasi ako ng isa sa mga damit ni Cardcaptor Sakura. Yieee.. Ewan ko ba lakas trip ako ngayon.

Pero hindi pala ang gusto kong mangyari ang magaganap, dahil imbes na si Andrei ang magulat sa new look ko, eh ako ang nagulat paglingon ng lalaking kasama niya.

Teka, bakit siya nandito? Bakit sila magkasama ni Andrei? Paanong..Diba...

"Huy Alex" sabay yugyog ni Andrei sa akin."Ok ka lang ba?" Tanong niya.

Oh, Chinito! (Untitled LoveStory)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon