Alex's POV
Sa wakas nagka POV din ako. haha kala niyo ha kayo lang. tropa kaya kami ni Ms. Author :D
Pero bakit ganun Ms. Author mas nauna pang nagkaPOV ang Trial&Error kesa sa akin, Epal talaga sila sa buhay ko kahit kelan. Mas nauna naman ako sa story na ito kesa sa kanila ah, at isa pa bestfriend ko ang bida.
Miss Author: Ah so ayaw mo ng POV ganun, ikaw na author sige. hahahaha
Joke lang Miss Author, sabi ko nga ehh, alam mo naman palabiro ako diba. Peace na tayo ha.
**************
Ok so pagkatapos kong kulitin si Bebe Andrei tungkol sa nangyari kagabi (sa Acquaintance Party nila), eh nagpunta ako sa isang restaurant sa isang mall.
Naghihintay.
May date kasi ako ngayon.
oops di ko boyfriend ha, wala pa ko nun. bata pa po ako.
Friendly date lang haha. Bale yung hinihintay ko ngayon ehh kuya kuyahan ko, ililibre daw niya ako for a job well done.
"kuya dito" sabay kaway ko, pagkakita ko sakanya na palingon lingon. at ayun napansin naman niya ako kaya nagpunta na siya sa table kung saan ako nakaupo.
"here's your credit card" sabay abot ko sakanya nung credit card na pinagamit niya sa akin para magawa ko yung mission ko.
"salamat, sige mag order ka na ng kahit anong gusto mo" naks ang galante ni kuya ha. pero pangako niya sa akin ito eh, kahit anong gusto ko, bibilhin niya basta gawin ko lang yung pinapagawa niya.
at yun, nag order ako. Oo ako lang kasi busog pa daw siya.
"3 slice po ng Brazo de mercedes, tapos 2 slice ng Black Forrest at 1 Latte Machiatto" sabi ko sa waiter.
Hahaha antakaw ko noh, pero hindi naman ako tumataba ehh kaya Ok lang yan. Weakneass ko kasi ang anything sweet.
"Isa na ring Iced Americano" sabi bigla ni kuya. Nauhaw siguro.
Pero teka Iced Americano? Tama ba pagkakarinig ko? Wow ha, at ginaya pa ang favorite ni bebe. Yiee..
Ayun., after kong kumain at siya uminom, dinala niya ako sa isang toy store. habang tumitingin ako si kuya naman ehh ewan ko, iniwan ko siya sa may pinto kanina ehh. after kong makapili ng gusto nagpunta na ko sa may pinto para mabayaran na ni kuya ang pinili ko.
"wow ang ganda naman niyan" nakita ko kasi na may hawak siyang dalawang lifesize na teddy bear na puti na may kulay pink sa tenga , yung isa naman na bear ay kulay brown.
"yan lang ba gusto mo?" tanong niya at tumango ako tapos sabay abot ko sakanya nung hawak kong chopper na bagpack. yung cute na deer sa One Piece. yun kasi yung gusto ko. tapos nagpunta na kami sa may counter at nagbayad na siya.
"May iba ka pa bang gustong puntahan o bilhin?" tanong niya. aba nagpapalakas na ba to para tulungan ko kay bebe? hmm
"Wala na kuya, Salamat ha" sabay ngiti.
"Hintayin mo ako dito ha, may bibilhin lang ako."
BINABASA MO ANG
Oh, Chinito! (Untitled LoveStory)
SonstigesSi girl, super adik sa Korea. Anything na may kinalaman sa Korea, gusto niya. Then one day nagkaroon ng chance na matupad ang pangarap niya na makapunta sa dreamland niya pero imbes na mag-enjoy siya, nasira ang bakasyon niya dahil sa isang lalakin...