Completed
WARNING!!! WARNING!!! Read at your own risk!!!
Like I've said, this story had been deleted before so I lost everything and would start from 0. Finally nahanap ko ang back up, nasa lappy pala sya.
Please support the story of Zianne and Bre...
(A/N) If you haven't read Fire and Ice, baka di nyo maintindihan kasi yun po talaga ang una.
Kilala nyo pa ba ang BreeZy?
Zianne Dela Vega ay anak ni Kianne at Sabryna na makikilala nyo din sa F&I. Sya ay isang intersex kaya mas maangas sya kay Kianne but gentle like Sabryna at the same time.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Briana Cassandra
"Takbo!" Sigaw ng lalaking bungi at amoy alak.
Tumatakbo akong yakap yakap ang backpack na naglalaman ng kaunting damit, gamit at pera na basta ko nalang kinuha sa mansyon bago ako tuluyang makatakas sa lugar na 'yon.
"Aaahhh!!!" Napatili ako ng bigla nya akong mahawakan sa buhok kahit bilisan ko na ang takbo, ay nahabol pa rin nya ako.
Isang ingay ng boteng nabasag ang aking narinig at ang malaimpyernong halakhak ng lalakeng ito. "Jackpot, siguradong masarap ka bata." Puno ng kalaswaan na sabi nya habang nakahawak sa aking braso.
"M-maawa po kayo sa'kin, n-nasasaktan ako!" Saad ko habang humahagulgol sa pag iyak. Pahatak nya akong kinaladkad patungo sa isang direksyon, sa madilim at madamong lugar. "Kuya, maawa po kayo sakin..." Pag mamakaawa ko pa.
"Tumahimik ka!" Sigaw nya kasabay ng pabalang na pag tulak dahilan para bumaksak ako sa madamong lupa. Nakangising hinawakan nya ang sintron ng kanyang pantalon at saka binubuksan ito habang titig na titig sakin kasabay ng pagdila nya sa kanyang labi.
"Tulong! tulungan nyo ako!!!" Sigaw ko kasabay ng mabilis na pag tayo para sana tumakas pero isang malakas na sampal lang ang natamo ko mula sa lalaki dahilan para muli akong bumagsak sa lupa.
"Tumahimik ka kundi papatayin kita!" Sigaw nya habang ang mga kamay ay nakahawak ng mahigpit sa panga ko.
Muli syang tumayo para tuluyang ibaba ang kanyang pantalon ng bigla akong may makapa na bato sa aking kamay kaya naman nung muli nya akong sunggaban ay mabilis ko itong hinampas sa kanyang ulo saka dali daling tumayo at muling tumakbo.
"Bumalik ka dito papatayin talaga kita!" Rinig kong sabi nya at sigurado akong tumatakbo na rin sya at hinahabol ako. "Pinapahirapan mo ko ha, pagbabayaran mo to bata ka!" Sigaw pa nya.
Hanggang sa narating ko ang bahagi ng kalsada pero isang nakakasilaw na ilaw lang ang sumalubong sa'kin kasabay ng tunog ng pag pihit ng gulong ng isang sasakyang nakahinto ngayon sa aking harap. Nakaharang ang kamay ko sa mukha para takpan ang ilaw na sumisilaw sa aking mukha ng muli kong maramdaman ang pag kaladkad ng lasing na lalake kanina.
"Ahhh, tama na po, maawa kayo! Tulong!!!" Hopeless kong sigaw habang hawak hawak ng lalaki ang buhok ko.
"Magbabayad ka! Pinagod mo ko ha, ako naman ang--"
Hindi na nya natuloy ang sasabihin nya dahil nakita ko nalang syang bumagsak sa lupa. Pag tingin ko sa aking likod, naaninag ko ang pigura ng isang matangkad na babae pero hindi ko makita ang kanyang mukha dahil nakatalikod ito sa ilaw na nanggagaling sa kanyang sasakyan.
"Are you hurt?" Tanong nya at humakbang sya palapit sa'kin.
Gamit ang natitira kong lakas at mabilis akong tumakbo sa madilim na damuhan palayo sa babae kanina. Wala akong tiwala sa lahat ng tao at tanging takot lang ang nararamdaman ko habang hilam ang mata sa aking pag iyak.
"Hey, bata! Saan ka pupunta?" Rinig kong sigaw pa nya pero hindi naman nya ako nagawa pang sundan.
Habol hininga akong napaupo at napasandal sa isang puno ng makaramdam ng matinding pagod mula sa walang katapusan na pag takbo ngayong gabing ito.
Galit, lungkot, hinagpis, pangungulila at takot ang nararamdaman ko ngayon. Niyakap ko ang aking tuhod at pinakawalan ang natitirang luha sa aking mga mata.
"Kapit lang Bree, kapit lang ha..." Saad ko sa aking sarili dahil para na akong masisiraan ng bait. Hindi ko akalain na ganito kalupit ang mundong naghihintay sa akin pag labas ko ng mansyon.
"But I'm better off dead in the hands of strangers..." I said to myself while clenching my teeth. "Mabubuhay ako at magbabayad ang dapat magbayad!" Sabi ko pa hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay.