TIB2 / 04 - Rose

14.6K 187 6
                                    

CHACE POV
"Kanina ka pa hikab ng hikab ah?" Suway sa akin ni Andrew

Hindi ko naman kasi mapigilan. Kulang ako sa tulog kakaisip kay Cherry at bukas papasok pa ako sa opisina. Puno ang schedule ko bukas at hindi ko lang alam kung maimumulat ko pa 'tong mga mata ko.

"Sorry. Inaantok na talaga ako." Tugon ko saka hikab uli

"Ganun ba? Hays. Panira ka naman ng moment. Kita mo namang nagsasaya tayo ngayon." Aniya saka tingin sa mga taong nakapaligid sa amin.

"Paanong hindi ako aantokin? Alas onse na ng gabi. Sa mga oras na 'to ay natutulog na ako saka may pasok pa ako."

"Huwag ka nalang pumasok."

"Ano?"

"Oh bakit? Ikaw naman ang may-ari ah."

Pinigilan ko ang pag-ikot ng mga mata ko dahil sa sinabi niya.

"Aba, aba. Ang taray!"

"Manahimik ka nga." Sabi ko saka siya iniwan.

Maglalakad lakad na nga muna ako. Nandito kami ngayon sa Resort ni Mommy. Yung Resort na pinuntahan namin noon ni Cherry.

Ewan ko ba kasi kung bakit kami napunta rito. Naaalala ko na naman siya tuloy. Pero okay lang basta ako lang din ang nasa isip niya ngayon.

Napakaraming tao dito sa Resort ni Mommy. Maliwanag rin kahit na gabi dahil sa nagkalat na ilaw. May bantay rin sa tabi ng dagat kung sakali mang may lumusong sa tubig.

Noon ang saya saya ko ng dumating ka sa buhay ko. Ikaw ang pinakamaganda at pinamasayang nangyari sa buhay ko. Sana may second chance pa tayo. Alam kong impossible pero hindi ko mapigilang hindi umasa at mangaral na sana masilayan ko uli ang iyong mukha.

Tumingala na lang ako sa langit at iniisip nalang na siya ang pinakamakining na bituin ngayong gabi. Na binabantayan at hindi ako pinapabayaan. Ikaw ang anghel ko Cherry.

Tumalikod na ako at nagsimula ng maglakad pabalik sa hotel. Palinga linga ako sa tabi dahil napakarami na ng mga tao ngayon dito.

Nang may mahagip ang aking mga mata dahilan para mapatigil ako. Nanlaki ang mga mata ko at animoy nakaawang ang bibig ko sa nakita ko.

Dininig na ba ng nasa taas ang hiling ko? Na makita at mapagmasdan uli ang babaeng mahal ko? O ang lahat ng ito ay gawa lang ng mga halusinasyon?

Lalapitan ko na sana siya pero nagulat nalang ako ng may kamay na pumatong sa balikat ko. Agad ko itong nilingon.

"Okay ka lang Pare?" Tanong ni Drew

Napangiti akp ng malawak "Nakita ko siya Pare." Sagot ko

Halata naman sa mukha niya ang pagkalito "Sinong siya?"

"Si Cherry." Sagot ko

Napayakap naman siya sa sarili na animoy nilalamig "Hindi magandang biro yan Pare." Aniya

"Hindi ako nagbibiro. Yun oh tignan mo." Sabi ko sabay turo pero pagtingin ko ay nandoon parin siya.

Natameme si Andrew na parang nakakita ng isang multo. "Shocking! Totoo ba 'to?" Hindi makapaniwala niyang tanong

Ewan ko kung matatawa ako sa 'Shocking' niya pero sa sitwasyon na 'to? Wag na muna.

Nag-umpisa na siyang maglakad papalapit para malaman kung totoo nga bang siya si Cherry.

"Hi?" Unang bati ni Andrew dahilan para mapatingin siya sa amin

Totoo nga ba 'to?

Magkamukhang magkamukha sila at alam ko namang hindi siya si Charry kasi nasa America na siya ngayon. Oo naging malapit kami dahil sa kakambal niya. Pero sino nga ba 'tong kaharap namin?

TUTOR IN BED 2 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon