"Hala! Dada oh!" Sigaw ni Cherice Ace ng itakbo ng alaga niyang aso na si Cola ang bolang pinaglalaruan niya.
"Gusto niya lang makipaglaro sayo." Sagot naman ni Chace sa kanya.
Ang cute talaga ng mag-ama ko.
Oo. Mag-ama ko.
Nung araw na itinakbo niya ako sa Ospital ay buntis na ako nun. Gusto ko sana siyang surpresahin kaso nangyari naman yung tungkol kay Maricris. Kahit ganon pa man ay nagpapasalamat ako kasi humingi na siya ng tawad at wala naman kasi siyang kasalanan.
Nakapag-usap narin kami. Usap babae. Ikwenento ko lahat ng tungkol sa amin ni Chace at yung mga napagdaanan na namin kaya naman ay naintindihan niya rin naman. Pagkatapos nun ay naging malapit kaming magkaibigan. Oo. Naging malapit talaga na napunta sa puntong kinuha ko rin siyang ninang ni Cherice Ace at abay sa kasal namin ni Chace.
Napakalaking biyaya ng ibigay sa akin si Cherice. Akala ko dati hindi na ako magkakaanak pa pero heto. Mayroon na akong matatawag na pamilya.
Ikinasal narin ako kay Chace matapos nun. Sadyang napakasaya talagang makasal sa lalaking mahal pagkatapos ng maraming pagsubok, hadlang at problema na pumapagitna sa inyong dalawa.
"Uwaa! Dada! She's eating my ball!" Sigaw ni Cherice na parang maiyak iyak na ng nginangatngat na ni Cola ang bola.
"Don't cry baby. It's just a ball. I will buy you again, okay?" Sabi niya sa anak. Kaya nagiging spoiled eh.
"No, dada."
"Why?"
"I don't want a ball or anything anymore."
"What do you want then?"
"I want a little sister or little brother." Nabulunan ako sa sinabi ng anak namin. Naibuga ko ang kapeng iniinom ko dahil sa batang 'to.
Napatingin naman si Chace si direksyon ko at napangisi nalang. Jusko. Ang hirap manganak. Bakit kapatid pa ang hiling ni Cherice.
"Don't worry baby. Promise. You will have a little sister or brother. Okay?" Aniya sa anak kaya naman nagningning ang mga mata ng bata.
"Really, dada?"
"Ofcourse. Just don't disturb your Dada and Mama when they are together in their room, okay?"
"Chace!" Kung ano anong sinasabi sa bata eh.
"Okay. I won't disturb Dada and Mama." Sagot naman ng bata.
"That's right Baby."
Napatampal naman ako sa aking noo. Jusko. Ano bang gagawin ko sa mag-amang 'to?
~
Kinagabihan ay sinundo nila Papa (Dad ni Chace) at Angel si Cherice. Gusto daw nilang ipasyal at talagang natutuwa sila dahil sa sobrang bibo ng bata.
Abala ako sa pag-aayos ng isusuot ni Cherice pagdating dahil paniguradong manlalagkit na naman yun sa sobrang pawis ng kakagala sa kung saan. Si Angel ba naman ang kasama nila edi tiyak na kung saan saan sila mapapadpad niyan.
"Asawa ko, nasaan ang anak natin?" Gulat man ay nakabawi parin ako sa biglaang pagdating ni Chace.
Nakalimutan ko palang isara ang pintuan kaya nakapasok nalang siya ng basta basta at walang ingay.
"Oh? Ang aga mo naman yata?" Salubong ko sabay baklas sa butones ng suit niya.
"Gusto ko sanang makipagkulitan kay Cherice eh. Nasaan na nga ba ang anak natin? Naninibago kasi ako pagdating ko. Siya agad yung unang sasalubong sa akin kaysa sa alaga niyang si Cola." Saad ng asawa ko na may lungkot ang mga mata.
BINABASA MO ANG
TUTOR IN BED 2 ✔
RomancePlease read the Book 1 first :) WARNING: Not suitable for young readers and sensible minds. It contains graphic sex scenes, adult languages, and situation intended for mature readers only. *Cover photo not mine. Credit to the owner.
