TIB2 / 29 - Untold Stories (Part 2)

6.6K 110 14
                                    

APPLE POV

Oo. Plinano ko ang lahat. Masisisi niyo ba ako kung ginawa ko lang naman yun para sa ikagaganda ng buhay niya dahil alam kong giginhawa ang buhay niya kay Juno.

Nung makaramdam ng paninikmura ay nakakutob na ako na nagdadalang tao na si Cherry dahil nga palagi na silang nagkikita ni Chace.

Nung mapatakbo na sa kwarto si Cherry na agad namang sinundan ni Juno ay sinamantala ko agad ang pagkakataon para lagyan ng pampatulog ang inumin nila.

Nung pagbalik nila ay nagkausap pa kami ni Cherry habang may kausap si Juno sa telepono. Sinabi ko sa kanyang pababayaan ko na siya sa kung anong gusto niya at kung Anong magpapasaya sa kanya.

Pero hindi parin ako tumupad. Nang halos sabay silang makatulog ay pinabuhat ko silang dalawa sa kwarto ni Cherry at tinanggalan ng damit para magmukhang may nangyari talaga. Knowing Cherry, hindi imposibleng isipin niya na merong nangyari talaga sa kanila.

At ngayon ay nakailang ulit na akong dinadial ang cellphone ni Cherry pero out of coverage naman. Paniguradong galit talaga siya sa akin pero sana ay maintindihan niya naman yung ginawa ko.

Ugh!

Hindi ko talaga siya matawagan. Kailangan ko na siguro siyang puntahan sa bahay nila para makausap ng maayos at para narin makapagpaliwanag dahil hindi man lang niya ako pinakinggan.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Haji

"Kailangan kong makausap si Cherry."

"Bakit? Hindi ba pwedeng bukas nalang? Galit siya at baka sumabog pa kayo pareho niyan kapag nagkataon." Aniya

"Magpapaliwanag lang ako. Wala na akong pakialam kung magalit man siya sa akin basta masabi ko ang dahilan ko."

"Pasaway ka talaga. Tara na."

Hinawakan ko ang braso niya at niyakap dahil sa suporta na binibigay niya kahit na away bati kami palagi.

"Salamat kahit na napakasakit ko sa ulo."

Hinaplos niya ang ulo ko na parang bata at hinalikan ito "Mahal kita kaya tanggap ko ang mga yun kaya sana itama mo na 'tong maling nagawa mo para maayos na tayong lahat."

"Gagawin ko."

"Kung ganun, tara na." Aya niya saka pinagbuksan ako ng pinto ng kotse




CHERRY POV
Dire-diretso akong naglakad papasok ng bahay ng makita ko si Juno at nilagpasan lang siya.

"Rose?" Tawag niya pero hindi ako lumingon

Papunta na akong kwarto ko at nilimas ang mga damit ko sa kabinet. Habang nagtataka namang sumunod si Juno sa inaakto ko.

"Wait. What are you doing? Bakit mo hinahakot ang mga damit mo?" Tanong niya na nagtataka parin habang nanonood lang si Xena sa amin.

Nagpatuloy lang ako sa paghahakot ng pigilan na ako ni Juno. "Ano bang nangyayari? Bakit ka maglalayas? Iiwan mo ako? Saan ka pupunta? Diba nangako kang hindi mo ako iiwan?"

Hinarap ko siya ng may galit sa aking mga mata "Puro na lokohan 'to Juno. Hindi na 'to magwowork out. Punong puno na ng kasinungalingan ang relasyon nating ito!" Sabi ko saka palis ng kamay niya sa braso ko.

"Ano bang nangyayari? Ipaliwanag mo naman dahil wala akong naiintindihan." Maamong sabi niya kaya naman nakonsensya ako dahil wala naman siyang kasalanan pero napagbubuntunan ko siya ng galit ko.

Napaupo na lang ako sa gilid ng Kama at nanghina sa mga nangyayari ngayon. Ayoko mang iwan si Juno pero kailangan dahil mas masasaktan nga naman talaga siya. Ngayon na ang tamang oras para sabihin sa kanya ang totoo.

TUTOR IN BED 2 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon