(A/n: Sorry dahil inabot ako ng mahigit isang linggo para makapag-update. Nasira kasi cellphone ko at hanggang ngayon ay hindi pa naaayos. May ginawa pala akong One Shot Story para kay Juno, entitled: Man On A Wire. At kung gusto niyo ring mabasa ang kwento ng buhay ko, hanapin niyo lang ang Paano Ba Ang Magmahal? Don't worry, One shot lang din yan. Salamats! (☆^ー^☆)
Pinalitan ko na po ang Username kong Yts_Xandriia at ginawang MorphineWP nalang po. Sinabi ko lang para hindi kayo malito. (^_^)v
- MorphineWP
﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏
﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏
CHACE POV"Anong balak mo ngayon?" Tanong sakin ni Andrew
Napailing iling nalang ako habang pinapaikot ikot ang yelo sa alak na iniinom ko.
"Anong gagawin mo? Iiwasan mo siya? Magagalit ka sa kanya? Hindi mo pa naririnig ang mga paliwanag niya. Paano kung mangyari uli ang nangyari dati? Huwag lang magpadalos dalos ng desisyon P're." Lintana niya kaya naman nakaisip ako
Tama siya.
Dapat pinakinggan ko pa ang mga paliwanag ni Cherry. Baka nasaktan ko na naman siya. Bakit ba ako naging hangal? Hindi ako naniwala sa kanya. Kailangan ko siyang makausap.
"O? Saan ka naman pupunta?" Tanong niya ng mapatayo ako
"Kakausapin ko siya."
"Teka? Iiwan mo ako dito? Sandali lang naman P're, wala akong sasakyang dala saka lasing ka na baka kung ano pang mangyari sayo sa daan. Alangan namang maglakad ako? Paano nalang kung pagsamantalahan ako sa daan?" Pigil niya sa akin at kung ano na lang mga sinabi. Hay naku.
"Tsk. Sumama ka na nga lang! Dami mo pang sinasabi." pagsusungit ko
"Sus! Kalalaking tao, kasungit sungit!" aniya saka tumayo narin.
Naglapag nalang ako ng bayad para narin makaalis na kami. Nag-aalala ako na baka hindi ko na sila maabutan doon at baka iwan na naman niya ako katulad ng dati. Ayoko ng mangyari uli yun. Ayoko ng mawala pa siya sa akin. Kailangan kong marinig ang mga paliwanag niya.
Papasok na sana kami ng kotse ng tumawag si Angel kay Andrew. Naiinip na ako sa tagal ng pag-uusap nila kaya naman agad akong pumasok sa kotse ko at binuhay ang engine.
"Hoy! Teka! Pare!" sigaw niya pero hindi ko na binalikan pa.
Hindi na kasi agad sumakay tapos lalayo pa para makipag-usap. Para namang may sekreto sila, e magpapakasal na nga dami pang arte. Ang arte talaga ng kaibigan kong iyon.
Maya maya ay tumunog na ang cellphone ko at nakita ko ang pangalan niya kaya naman natawa nalang ako. Baliw kasi. Kinabit ko ang Ear kit sa tenga ko para sagutin ang tawag niya.
(Alam mo bang bastos ka P're? Iniwan mo ko rito?)
Natawa ako sa pambungad niya "Umuwi ka nalang."
BINABASA MO ANG
TUTOR IN BED 2 ✔
RomancePlease read the Book 1 first :) WARNING: Not suitable for young readers and sensible minds. It contains graphic sex scenes, adult languages, and situation intended for mature readers only. *Cover photo not mine. Credit to the owner.