TIB2 / 38 - Messed Up

6.6K 133 4
                                    

Try niyo po, BODY LANGUAGE. Si Xena Rafal  na kaibigan ni Cherry at Apple ang bida po rito kaya sana mabasa niyo :) salamat :) -- https://www.wattpad.com/story/45267573-body-language

CHACE

Wala ako sa loob na pumasok sa opisina. Kahit na labag sa loob ko ay kailangan ko paring pumasok para lang hindi ko mapabayaan ang kompanya. Maaga at maingat akong gumising para hindi magising si Cherry.

Hinalikan ko nalang siya sa noo habang himbing na himbing sa pagtulog. Palabas na sana ako pero nahinto lang din at binalikan ang natutulog na si Cherry. Pinagmasdan ko muna siya. Hinahamplos hamplos ang buhok pati narin ang pisngi niya.

Namimiss ko na siya ng sobra sobra kahit na magkasama kami sa iisang kwarto at magkatabi lang sa iisang kama.

Kailan ba babalik ang mahal ko?

Kailan ba babalik ang dati niyang sigla?

Kailan babalik ang mga ngiti at tawa niya?

Bahagya akong napatingin sa relo ko. Kailangan ko narin umalis baka ma-late pa ako sa businesa meeting ko.

Kasama ko ang mga bodyguard ko papasok ng building. Panay bati sa akin ng mga empleyado pero hindi ko sila magawang suklian ni kahit isang ngiti at tango lang. Kita ko sa mga mukha nila ang pagtataka sa kung ano ako ngayon. Wala nga naman silang alam sa nangyayari dahil nananatiling pribado ang personal kong buhay.

Sinalubong ako ni Ginger na mukhang alam na kung anong problema ko. Sinabi siguro ni Kuya Chris. Hindi ko nga lang natanong kung silang dalawa na ba o nasa nagliligawan stage palang sila.

"Sir, ngayon pa yung schedule niyo kay Engr. Smith about dun sa blue print ng building." simpleng tango lang ang binigay ko at dinukot ang cellphone sa bulsa ko.

Nagbabakasakali kasi ako na baka tumawag ang mahal kong si Cherry. Baka lang, hindi naman ako basta basta mawawalan ng pag-asa.

Tulad ng sabi ni Ginger ay nagdiretso na agad ako sa Conferrence Room. Nakipagkamay na muna ako kay Engr. Smith at kinausap muna bago ako naupo saka nagsimula ng ipresent ang tungkol sa blue print ng gagawing gusali. Malaki ang magagastos rito gayong hindi basta basta ang materyales na gagamitin. Pinakita rin nila ang plates ng building para mas magiging detalyado ang lahat.

Pero kahit na anong pilit kong ituon ang atensyon ko sa harap ay nawawala parin ito. Panay rin ang tingin ko relo at cellphone ko. Kanina parin ako hindi mapakali. Ni hindi na nga rin ako makasabay sa discussion pero pinipilit kong intindihin.

Nagitla ako ng biglang tumunog ang cellphone ko na sinagot ko naman ng makita ko ang pangalan ni Cherry sa caller ID.

"Excuse me." sabi ko muna sa mga ka-meeting ko bago kausapin si Cherry sa kabilang Linya.

Tumayo narin ako at lumapit sa may bintana para naman hindi nila masyadong marinig ang mga sasabihin ko kung sakali man.

"Cherry?"

"Kuya!" napakunot noo ako ng hindi si Cherry ang nasa kabilang linya.

"Angel? Bakit na sayo ang cellphone ni Cherry?"

"Kuya, nawawala si Ate Cherry. Wala siya sa kahit na sulok ng buong bahay." nag-aalala niyang sabi.

"Ano? Paanong?"

"Kuya hindi namin alam kung saan namin siya hahanapin." dagdag niya pa.

TUTOR IN BED 2 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon