CHACE POV
Nakakuyom ko ang mga kamay ko habang nakapamulsa. Narinig ko yun. Narinig kong may Fiancee nga talaga siya pero ang hindi ko maintindihan ay bakit ako nanggigigil ng ganito?Parang gusto kong manapak ng tao pero bakit ko naman gagawin yun?
Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko! Mababaliw na yata talaga ako kapag nagtagal pa 'to! Kailangan ko ng iwasan ang babaeng yun dahil alam kong ako lang din ang mahihirapan sa huli.
Palabas ng Hall ay may nakasalubong ako. Isa sa mga pinsan ko. Si Kristoff Apollo III o Third. Ang maginoo pero medyo bastos.
"Kuya? Kumusta? Anong ginagawa mo rito?" Tanong niya
"Para sa 100th Anniversary ng Kompanya." Sagot ko
"Ah. Kaya pala."
"Eh ikaw? Bakit ka nandito?"
"Bigay ko lang 'to kay Ninang saka sibat na agad ako. May inuman pa kasi kami ng Tropa. Sige!" Saad niya saka pakita ng kahon at nagmadaling pumasok sa loob.
Inuman?
Hays. Ano na naman bang iniisip mo Chace? Napailing iling nalang ako sa naisip ko at aakmang papasok na ako sa kotse ng tinawag ako uli ni Third.
"Kuya?!"
Napalingon ako sa kanya. "Oh? May nakalimutan ka ba?" Tanong ko naman.
"Oo eh. Next weekend kasi gusto ng Tropa na gumala kaya naisip ko, bakit hindi na lang sa Resort niyo?" sabi niya.
"Bakit naman hindi?"
"With free accomodation?"
Napataas ang kilay ko "Langya, ang yayaman niyo pero ang kukuripot niyo namang lahat."
Natawa nalang siya "Nag-aaral pa kasi kami eh!"
"Kahit na. Alam ko namang milyones ang mga pera niyo sa bangko."
"Kuya naman!"
"Ayoko!" Pagmamatigas ko parin.
Ang yayaman kasi nila pero heto, anong ginagawa niya? Pinapalibre niya ang pamamalagi niya sa Resort ko? Oo, akin na yun. Bigay na ni Mommy sa akin.
"Hala! Sige na Kuya! Sumbong kita kay Tita Charice!" Pananakot niya
"Sa akin na ang resort na yun kaya wala rin kahit magsumbong ka." Buwelta ko.
"Sige na naman. Please?"
Hays. Ang mga bata talaga ngayong panahon ay matitigas ang ulo.
"Tsk. Sa isang kondisyon." Sabi ko ng biglang may pumasok sa isip ko.
"Ano naman yun?" Nagtataka niyang tanong.
RUBY POV
"Where's Chace?" Tanong ko kay Ginger na mukhang nagulat ng makita ako.Hindi ko naman siya masisisi dahil hindi ako nagsabi na pupunta ako rito. Nag-aalala kasi ako kay Chace na baka kung anong mangyari sa kanya lalo na't may hang-over pa siya hanggang ngayon.
"Ah. May meeting pa kasi siya ngayon sa Event Organizer." Paliwanag niya
"Ganun ba? Okay, I'll wait for him nalang. Ah! Where's the powder room?" Tanong ko ng tawagin ako ng kalikasan.
"Sa kanan po saka kakanan po uli." Sabi ni Ginger kaya naman nagpasalamat ako bago naglakad.
Pagkatapos nun ay nadaanan ko ang table ni Ginger na bakante. Saan naman kaya siya nagpunta? Hindi man lang nagsabi. Pero baka nasa loob siya ngayon at kausap na si Chace.
BINABASA MO ANG
TUTOR IN BED 2 ✔
RomancePlease read the Book 1 first :) WARNING: Not suitable for young readers and sensible minds. It contains graphic sex scenes, adult languages, and situation intended for mature readers only. *Cover photo not mine. Credit to the owner.