Nararamdam ko ang init mula sa kanyang mga palad at naririnig ko rin ang mga malalalim niyang hininga na may nakakapagpainit sa akin ng husto.
Hindi ko alam kung nanaginip ba ako o hindi pero isa lang ang alam ko, ayoko ng gumising pa kung panaginip man ito sapagkat isip isip ko ngayon ay si Chace ang kasama ko.
* * * * *
Napamulat ako sa dahil sa sikat ng araw na tumatama sa aking mga mata. Dalian akong tumagilid para hindi na ako matamaang muli at magbalik sa pagtulog.
Pero bago pa man ako makatulog at minulat kong muli ang aking mga mata na bigla naring namilog.
Hindi.
Hindi maaaring mangyari ang mga bagay na ito. Hindi 'to totoo.
Agad akong napaupo na siya namang laglag ng kumot mula sa aking katawan dahilan rin para tumambad ang aking katawang hubad kaya nagmadali rin akong pinulupot ito pabalik.
Namulat siya ng mata, siguro ay sa umaalon alon na ang kama. Iginala ko ang mga mata ko. Kwarto ko naman ito pero bakit nandito siya at kung bakit pareho kaming walang saplot sa katawan?
"Babe?" pagtataka niya na siyang upo rin niya para makita kong wala ring siyang damit.
"Anong ibig sabihin nito?" tanong ko ng hindi makapaniwala.
Ilang sandali siyang napatanga at natulala para isipin ang mga pangyayari.
Napatingin siya sa sarili niya at sa akin. Tingin uli sa sarili saka sa akin uli na parang naguguluhan parin hanggang ngayon.
"What happened?" tanong niya
"Ako dapat magtanong sayo niyan Juno. What happened? And why are you here?" nanggigil kong pabalik tanong.
Imbis na sumagot ay napahawak nalang siya sa sentido niya. "My head hurts."
"Nakainom ka?"
"I don't think so. Wala akong maalala." sagot niya
Maging ako ay wala ring maalala saka bakit nakahubad pareho? Imposible namang may nangyari sa aming dalawa.
"This can't be."
"So, it means.. we already did it?" tanong niya na ikinahina ng tuhod ko kaya napaupo ako sa sahig.
"Hindi.."
"Babe?" aniya saka agad akong dinaluhan.
"Get away from me!" sigaw ko.
"But babe. Wala namang masama dun diba? I'm yours and you're mine too." sabi niya
Akala niya lang wala pero sakin meron. Sa amin ni Chace meron. Pinagtaksilan ko si Chace. Ano ang gagawin ko?
Parang wala na akong mukhang ihaharap pa sa kanya dahil sa nagawa ko. Nahihiya ako kay Chace. Pakiramdam ko ang dumi dumi ko na. Hindi ko alam ang gagawin ko. Sasabihin ko ba o hindi?
"Babe? Why are you crying? Sorry. Hindi ko naman ginusto 'to. Hindi ko kasi alam. Wala akong maalala." aniya saka hinahaplos ang likod para mapatahan ako.
Mabilis akong tumakbo papasok ng banyo para maglinis ng katawan.
"I'm sorry babe. Please, forgive me." saad niya sa labas mula sa labas ng banyo.
"Leave me alone."
Narinig kong nagbukas sara ang pinto. Malamang ay lumabas na siya kaya nakahinga ako ng maluwag.
Napaupo nalang ako at nag-iisip kung paano at kung anong nangyari dahil ako rin mismo ay walang maalala sa nangyari kagabi. Ang tanging tanda ko lang ay yung nagkwekwentuhan kaming tatlo ni Apple at napaparami narin ng inom. Pero mataas ang alcohol content ko kaya imposible ring malasing ako agad lalo na't wine lang yun at hindi hard drink.
BINABASA MO ANG
TUTOR IN BED 2 ✔
RomancePlease read the Book 1 first :) WARNING: Not suitable for young readers and sensible minds. It contains graphic sex scenes, adult languages, and situation intended for mature readers only. *Cover photo not mine. Credit to the owner.
