TIB2 / 01 - Before and After

64.1K 310 18
                                        

CHACE POV

Minsan sa buhay ko ay nagmahal ako at minahal ng totoo. Sabihin nalang nating hanggang ngayon ay mahal ko parin siya. Hindi siya mawala sa isip at puso ko kahit Dalawang Taon na ang nakalilipas ng huli kaming magkita.

Kahit na anong gawin ko hindi ka mapalitan sa puso ko.

Kasalanan ko kung bakit ka nasaktan ng todo. Kasalanan ko lahat kung bakit ka nawala sa akin. Kung bakit wala ka na ngayon sa piling ko.

Ang sakit sakit lang. Dahil habang dumaraan ang araw ay mas lalong pasidhi ng pasidhi ang pagmamahal ko sayo. Lalo kitang minamahal ng higit pa sa buhay ko.

Kung maibabalik ko lang ang oras na yun. Sana hindi nalang kita sinaktan. Sana ipinagtanggol nalang kita. Sana nagtiwala nalang ako sa pagmamahalan nating dalawa.

Nagitla ako ng may yumakap sa akin mula sa likod kaya agad ko itong kinalas saka nilingon ito.

"What do you think you're doing?" Tanong ko sa kanya

Umayos naman siya at tumabi sa akin habang nakaupo ako sa bench dito sa Park. Palagi na lang ako dito.

"I just want to say that I'm always here for you." Aniya saka patong ng ulo sa balikat ko pero umusog ako.

"I'm okay, Ruby." Sagot ko dahil ramdam ko at alam ko na may pagtingin siya sa akin.

Kapangalan niya si Cherry dati kaya ilang pa akong tawagin siyang Ruby. Siya yung babae sa Bar na nasigawan ko nung umiinom kami ni Andrew at siya rin yung tumulong sa akin ng bugbugin ako ni Rocco sa Park.

"You're always telling me that but look at you, you're so damn miserable. Two years had passed and yet you're still like that." Lintana niya

"Mind your own business."

"As always, masungit ka parin sa akin."

"Tsk."

Nagitla uli ako ng kumapit siya sa braso ko kaya naman agad ko 'tong tinanggal. Hindi ako komportable na basta basta nalang hinahawakan ng ibang tao.

"Aww. You're so harsh on me." Aniya

"I just don't want you to put some fingers on me." Sagot ko

"But we're friends right?"

"That's it. We're just friends only. Pero iba ang ibig sabihin ng mga kilos mo. Hindi ako manhid, ." Saad ko dahilan para matigilan siya

Agad din siyang natawa sa sinabi ko. "Am i that obvious?" Aniya saka tumingin sa akin ng may sensiridad.

"Yes but I'm sorry. I can't repay your feelings."

Narinig ko siyang napabuntong hininga. "Lagi naman eh. Dahil siya parin ang nasa isip at puso mo hanggang ngayon. Hindi mo parin siya makalimutan. Handa naman akong maghintay. Handa akong magtiis."

"Huwag ka ng umasa Ruby. Huwag na. Masasaktan ka lang."

Napatayo siya at humarap sa akin. "Dahil ikinukulong mo ang sarili mo sa nakaraan! Palayain mo na siya. Wala na siya Chace! Ako. Nandito ako oh!"

Napailing iling ako sa mga sinabi niya "I'm sorry. I love her this much."

Nagmadali siyang umupo sa tabi ko at yumakap. "Mahal na mahal kita Chace. Araw araw kong ipaparamdam sayo yun. Hindi ako magsasawa na mahalin ka."

Tinanggal ko ang mga kamay niya sa akin at tumayo na. "Don't. I don't want you to do that." Saad ko saka naglakad na papuntang kotse ko.

Hindi ko matatanggap ang pagmamahal ni Ruby para sa akin. Hindi ako karapat dapat sa pagmamahal niya. Hindi ko masusuklian ang pagmamahal na yun. At sigurado akong masasaktan lang din siya sa huli.

TUTOR IN BED 2 ✔Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon