SOMEONE POV
Isa isa kong nilalagay ang mga gamit ko sa maleta. Tama na ang bakasyon ko at kailangan ko ng lumuwas para sa bagong trabaho.
"Nakapag-impake ka na?" Tanong niya
Tumango tango ako at ngumiti sabay sabing "Yep!"
"You're my happiness." Aniya saka halik ng smack sa labi ko
"Ka-level ko na pala ang Coke ngayon?" Pabiro kong tanong kaya naman natawa siya.
"More than that."
"Hahaha!"
"Siyangapala, tumawag na ba si Apple?"
"Oo, sabi niya hindi na daw muna siya uuwi." Sagot ko
"Bakit naman?"
"Hindi niya sinabi ang rason niya saka kasama naman niya si Haji kaya hindi ako nag-aalala."
"Ganun ba. Mabuti naman kung ganun. Ah. Dalhin ko nalang 'tong maleta. Hintayin nalang kita sa baba, ayusin ko muna yung bills natin." Aniya
"Okay babe." Sagot ko saka tumayo at halik ng smack sakanya.
"I love you babe." Tugon niya saka kindat sa akin.
Kinilig ako sa totoo lang kaya naman. "I love you too." Sagot ko.
Saka na siya lumabas. Nahiga nalang ako sa kama at pinagmasdan ang kisame. Okay na sana eh. Akala ko okay na ako kahit makita ko pa siya pero hindi pala.
Nagpalit ako ng pangalan bilang Rose Levina at boyfriend ko si Juno Junio. Si Juno ang doktor ko noon.
Nakita ko siya. Sa totoo lang na-miss ko siya. Yung boses niya. Mukha niya. Mata. Presensya niya. Pabango niya. Ang init ng katawan niya. Siya. Na-miss ko siya ng sobra.
Pero hindi dapat. Hindi niya dapat malaman ang katotohanan na ako si Cherry. Kailangang itago ko sa kanila ang lahat ay gagawin ko.
Dahil sa paningin nila ay patay na ako at hindi na dapat mabuhay pa.
Kailangan ko ng kalimutan ang nakaraan. Kailangan ko nalang tanggapin at maging masaya sa buhay ko ngayon.
Marahil marami ang nagtataka kung ano ang nangyari. Sa simpleng kasinungalingan ni Apple at sinabing patay na ako kay Chace dahil sa sobrang galit niya rito. Sa totoo lang ay sobra rin akong nagalit kay Apple noon. Isang buwan ko siyang hindi kinibo.
Hanggang sa maintindihan ko rin ang sitwasyon niya. Alam kong ayaw niya lang akong masaktan at mahirapan kaya siya na ang tumapos sa aming dalawa ni Chace. Alam kong kalagayan ko lang ang inisip niya at prinotektahan niya lang ako sa sakit na mararamdaman ko.
Paano nga ba ako gumaling?
Nagpa-bone marrow transplant ako. Yung dati kong doktor na si Dok Glenn na Soon-to-be-father-in-law ni Juno ay nasagasahan hanggang sa mabawian ito ng buhay at nabanggit nga raw na gusto niyang i-donate ang bone marrow niya sa akin.
Soon-to-be-father-in-law? Dahil may anak pala si Dok Glenn at tulad ko ay nagka-Leukemia siya ngunit hindi agad naagapan kaya naman pumanaw ito. Dahil dun, nakikita na ako ni Dok Glenn na parang tunay na anak niya. Kaya pa sobra siya kung mag-alala sa akin noon. Nagkataon namang siya yung babaeng pinakamamahal ni Juno at pakakasalan na sana pero hindi natuloy.
Sa dalawang taon na yun, lagi nalang nasa tabi ko si Juno. Lagi niyang ipinapaliwanag ang kalagayan ko. Pinapakilala niya sa akin ang kagandahan ng buhay at kung paano mabuhay ng may ngiti sa labi. Nagsilbi siyang lakas sa akin. Siya ang nakapitan ko ng todo dahil abala narin si Apple sa buhay niya lalo na't nagpasya na rin silang magpakasal ni Hajime.
BINABASA MO ANG
TUTOR IN BED 2 ✔
Storie d'amorePlease read the Book 1 first :) WARNING: Not suitable for young readers and sensible minds. It contains graphic sex scenes, adult languages, and situation intended for mature readers only. *Cover photo not mine. Credit to the owner.
