TIB2 / 13 - New Friend

8.2K 157 4
                                    

ROSE POV
Pagkauwi ko ay agad akong nagpunta sa kwarto ko. In-on ang ilaw at ibinato sa kama ang coin purse ko saka nagdive sa kama.

I can't believe that we did it. Me and Chace. Ugh! I really can't believe that we really did it. Again.

Dahil sa nangyari ay namiss ko siya ng sobra. Para kasing ayoko ng umalis sa mga yakap niya. Parang gusto ko ng aminin sa kanya na ako 'to. Na ako yung babaeng mahal at minamahal niya.

Napabaliktad ako at napatingin sa kisame. Napaiyak nalang ako. Hindi ko alam na ganito ko pala siya ka-miss sa loob ng dalawang taon. Akala ko wala na. Akala ko nakalimutan ko na talaga siya pero hindi. Nagkamali pala ako.

Dahil nagbalik uli ang pagmamahal ko sa kanya---hindi pala nagbalik dahil mahal ko parin pala siya at hindi yun nagbago.

Siya lang ang minahal ko ng buong buhay ko. Hindi ko ginustong saktan at lokohin si Juno. Napamahal narin siya sa akin pero mas mahal at mas mahalaga talaga si Chace sa akin.

Biglang bangon ako at nagtungo na ng banyo para magshower. Habang naliligo ako ay naaalala ko uli ang nangyari sa aming dalawa sa loob ng kotse niya.

Takte naman!

Siguradong hirap na naman akong makatulog nito.

Binilisan ko nalang ang pagligo at nagbihis na baka kasi magsarili pa ako sa banyo ng wala sa oras. Na kapag nangyari yun ay mabibitin lang din naman ako.

Nagbihis na ako ng nighties at kasalukuyang pinapatuyo ang basa kong buhok gamit ang blower.

*ring ring ring!"

Muntik na akpng napatalon sa kinauupuan ko dahil sa tunog ng na nanggagaling sa cellphone ko. Sino ba naman kasing natawag ng ganito ka-late na?

Dinaluhan ko sa kama ang coin purse at kinuha ang cellphone ko saka tingin sa screen.

Si Apple.

"Hello." sabi ko

(Hala, pasensya na Bru dahil nagising kita.) aniya

"No. It's okay. Kakauwi ko lang din naman."

(Ha? Where have you been ba?) tanong uli niya

"Alam mo naman trabaho ko diba?" sabi ko na parang wala sa mood dahil naalala ko na naman si Chace.

(Ah. Oo nga pala.) sabi niya rin.

"So? Bakit ka napatawag?" tanong ko sa kanya.

(Uuwi ako.)

"Ha?" gulat kong tanong.

(Bakit parang gulat na gulat ka? Dati gustong gusto mong umuwi na ako ah.) lintana niya at na-imagine ko na nakanguso siya.

"Ha? Ah eh. Biglaan kasi."

Narinig kong tumikhim siya bago magsalita. (Wag mo sabihing--)

Pinutol ko agad ang sasabihin niya kasi baka nakahalata na siya. "Hindi ah!"

(Weh? Bat ang defensive teh?)

"Kung anu ano kasing pinagsasabi mo." balik ko sa kanya.

(Ano bang sinabi ko? Wala pa nga akong sinasabi eh. Naku, ikaw ah? Naglilihim ka na sa akin noh?) panghuhuli niya.

"Ano namang ililihim ko sayo?" natetense kong tanong na sagot rin sa tanong niya

(So, tell me? Did Juno and You already did it?)

Napamaang nalang sa sinabi niya and at the same time ay naginhawaan rin na baka mahuli niya ang tungkol sa amin ni Chace.

"No." kaswal kong sagot.

TUTOR IN BED 2 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon