TIB2 / 07 - He's The Boss

11.3K 157 2
                                    

CHACE POV
What the heck?!

Is this is real?

Wait. Rose Levina? Siya yung nakita ko sa Resort na kamukha ni Cherry.

Oo tama, Chace. Magkamukha lang sila kaya huwag kang magpadala. Hindi siya si Cherry kaya wala kang dapat ipangamba. Hindi mo kailangang maging mabait sa kanya. Hindi porket magkamukha sila ay itratrato mo na siya ng katulad ng pagtrato mo kay Cherry. Magkaiba sila.

"Nice to meet you Miss Levina. Please take a seat." Sabi ko na parang hindi kami nagkakilala minsan at yayang umupo sa sofa.

"Thanks Mr. Guttierez." Sagot niya saka ngumiti at umupo narin.

"So, do you already have your concept?" Tanong ko tungkol sa kung anong Konsepto ang gagawin niya.

Actually hindi sana ako ang gumagawa nito pero gusto ko lang talagang makasiguro na maganda talaga.

Pero kapag nakita ko naman ay okay na siguro at kahit ipasa ko na siya sa ibang department para maki-cooperate sa kanila.

"Yes Sir. You can choose what's the style that you want." Aniya saka abot ng mga brochure kaya naman kinuha ko agad ito at binuklat.

Ang daming pagpipilian pero parang iba parin ang hanap ko. "Ah. Do you have a White with a touch of Red Concept?" Tanong ko habang nagbubuklat.

"Ah. Yes Sir. Turn it to the last page." Sagot ko niya kaya sinunod ko naman.

Pagkabuklat ko ay nagustuhan ko agad ito. Ito ang hinahanap ko. Napangiti ako sa Concept na ito. Naaalala ko siya. Kaya nga naglagay narin ako ng Red sa Penthouse ko saka dito sa Kompanya.

"I like this one." Sabi ko sa abot ng brochure sa kanya. "I"ll inform the STD Department about this and you'll gonna work with them." Sabi ko

Ngumiti naman siya at tumango sabay sabing "Okay Sir."

Pinindot ko ang intercom na nag-uugnay sa amin ni Ginger. "Come inside." Utos ko at maya maya'y bumukas ang pinto at iniluwa siya nito.

"Sir?"

"Please guide Miss Levina to STD Department." Saad ko

"Okay Sir." Sagot sa akin at hinarap naman ang katatayo lang na si Miss Levina "Please follow me Maam." Aniya kaya tinanguan niya rin ito

"Thank you Sir." Saad sa akin ni Miss Levina kaya tumango nalang ako at saka na sila lumabas.

Pagkalabas niya ay agad akong napasandal sa upuan ko. Halos hindi ako makahinga dahil sa presensya niya. Ang hirap palang magpanggap lalo na't kaharap mo na at kayong lang dalawa.

Niluwagan ko ang neck tie ko para narin kumalma ako. Sana pala talaga hindi nalang ako nakapag-meet sa kaniya at hinayaan ko nalang sa STD Department ang tungkol dito at sila narin ang magpakita sa akin ng mga designs.

Sana hindi na kami magkita pa.

Ayokong naiisip si Cherry sa kanya dahil hindi siya si Cherry at lalong lalo na na hindi siya magiging si Cherry.

Pero bakit ganun?

Iba ang pakiramdam ko.

Parang ang tagal na naming magkakilala pero parang hindi naman.

Jusko. Ano na bang nangyayari sa akin ngayon? Nababaliw na ba ako? Mukhang malala na ako ah.

Gusto ko nalang tuloy magpahangin at maglakad lakad sa labas. Pero okay narin dito dahil may katahimikan ako. Nakakapag-isip at nakakapagrelax rin ako kahit na papaano.

Tumingin ako sa relo ko. 12:15 na pala. Hindi pa ako nagugutom. Mamaya nalang siguro kapag nagutom na talaga ako. Tapusin ko lang mga meetings ko.

Kakain nalang ako ng Pasta mamaya.




ROSE POV
"Pagpasensyahan niyo na po si Boss maam ha? Ganun lang talaga siya."

TUTOR IN BED 2 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon