ROSE POV
Nabitiwan ko ang sandok matapos kong makita ang mukha ng lalaking pinakamamahal ko. Awtomatikong nanlaki ang mga mata ko. Maging siya ay mukhang hindi pa makapaniwala ng makita ako.Dahil sa bagal niyang magreact ay mabilis agad akong tumakbo palabas ng unit. Hindi pwede 'to. Hindi na sana ako nagpunta pa dito.
Kailangan ko ng makaalis agad bago pa siya makahabol. Mabilis kong pinindot ang elevator pero sa kasamaang palad ay nasa pinakababa pa ito.
Napansin ko ring naka-apron pa ako kaya hinubad ko na rin habang hinihintay na magbukas ito.
Ilang floor nalang ang dadaanan at makakababa narin ako pero bago pa man bumukas ang pinto at makasakay ako ay may humila na agad sa akin at isinandal ako pader.
"What's happening? What's with you?! Who are you?!" ma-otoridad niyang tanong pero kailangan kong ipakita na hindi ako nasisindak.
Pero anong sasabihin ko? Hindi ko inaakalang mangyayari to. Hindi ko pinaghandaan ang ang pagkikita namin sa ganitong paraan at sa dati kong unit. Dapat pala umuwi nalang ako ng maaga.
Nagulantang nalang ako ng hinila niya ako papasok ng unit ko. Inaamin kong nasasaktan ako dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa palapulsuan ko.
Tulad kanina ay isinalampak niya uli ako sa pader. Ang totoo? Masakit sa likod. Nagiging agrisibo siya sa pisikalang pananakit dahil sa galit.
"Answer me!!! Ikaw ba si Cherry??!! Tell me the truth!!" sigaw niya
For the first time. Ngayon ko lang siya nakitang ganito kagalit. Nakakatakot siya.
"Sino ka bang talaga??!! Nung una nagdududa ako pero nakita kong magkaibang magkaiba ng ugali ang pinapakita mo kaya hindi na ako nagduda!!"
Napatingin ako sa gilid ko dahil ayokong makita ang galit sa mukha niya. Ayoko siyang makitang nagkakaganito. Ayokong makita siyang nasasaktan. Ayokong nasasaktan siya dahil ako yung mas nasasaktan ng sobra.
Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at pinilit na hinarap sa kanya. Dahil dun nakikita ko ang mga luhang nangingilid at nagbabadya ng pumatak mula sa kanyang mga mata.
"Who.Are.You??!! Bakit nandito ka sa unit ni Cherry??!! Impossible namang ikaw si Charry dahil nagmigrate na sila ni Dave sa ibang bansa!!" sigaw niya parin
Ayokong magsalita. Ayokong magsalita dahil baka masaktan siya sa mga salitang aking mabibitawan. Ayokong magsalita dahil baka hindi ako makapagpigil ay baka maamin kong ako nga ito. Na ako si Cherry. Ang babaeng mahal niya.
Pero may anak na sila. Ano naman kung aamin na ako? Wala naman ng mababago pa sa amin dahil siya ay bubuo na ng pamilya.
"Ikaw ba si Cherry??!! Hindi ka totoong namatay??!!"
Tinanggal ko ang mga kamay niya sa pisngi ko saka naglakad ng ilang hakbang palayp sa kanya.
"Oo. Ako nga." sagot ko sa matapang na pananalita saka hinarap siya.
Pinagsisihan kong humarap pa ako sa kanya dahil nakikita kong nagsipatakan na ang kanyang mga luha. Parang nadurog ang puso ko ng pinong pino. Para akong sinasakal sa sakit na kanyang nararamdaman. Parang hindi ako makahinga dahil sa kanyang hikbi at hinagpis.
Nagulat nalang ako ng pinagsusuntok niya ang pader. Naaawa ako sa kanya. Ramdam ko ang sakit sa kanyang mga pananalita.
"Why?! Why the hell did you do this to me?! Bakit niyo ako niloko?! Oo inaamin kong nagkamali akong nasaktan kita pero, fvck this!! Dalawang taon akong naniwala na wala ka na!! Dalawang taon akong nagdurusa dahil sa pag-aakalang wala ka na!! Dalawang taon na akong nababaliw sa pagmamahal ko!! Dalawang taon akong nangulila sayo!! Sa pagmamahal mo!! Sa yakap at mga halik mo!! Mahal na mahal kita pero bakit ganito kasakit ang balik sa akin??!!"
BINABASA MO ANG
TUTOR IN BED 2 ✔
RomancePlease read the Book 1 first :) WARNING: Not suitable for young readers and sensible minds. It contains graphic sex scenes, adult languages, and situation intended for mature readers only. *Cover photo not mine. Credit to the owner.