TIB2 / 34 - Ruby vs Cherry

9.2K 146 0
                                    

Papasok ako ng kompanya ni Chace ngayon dahil ipinagdala ko siya ng makakain. Hindi na kasi siya kumain pa dahil ako nga yung pinapak niya. Natatawa tuloy ako as sobrang pagmamadali niya kanina. Habang naglalakad ako ay niyuyukuan ako ng mga empleyado na parang kataas taasan kaso bakit kaya? Panay rin ang bati sa akin kaya nakakapanibago.

Papasok na sana ako ng elevator nang tumambad sa akin ang isang taong may malapad na ngiti at lumapit sa akin.

"Sinasabi ko na nga ba." Aniya na may ngiting aso parin

"Wala kang sinabi." Sagot ko naman

"Haha nahulaan ko na baka ipagdalhan mo ako ng pagkain." Sabi niya pero napangiti narin ako

Natawa nalang ako sa inakto niya. Nagmumukha kasi siyang bata na parang nakakagigil pisilin ang magkabilang pisngi. Agad ko rin namang napansin na hindi lang pala ako ang natutuwa kay Chace dahil may mga empleyado ring nakangiti at kinikilig sa kanya kaya naman niyaya ko na si Chace sa opisina niya.

"Tara na sa taas." Yaya ko

"Sige." Sagot niya ng nakangiti saka ako inakbayan na para bang nasa park lang kaming dalawa.

Abot hanggang tenga ang ngiti niya na parang asong ulol. Ewan ko ba sa lalaking ito. Kung aakalain na ata ng ibang tao ay nababaliw na siguro 'tong boyfriend ko.

Boyfriend ko?

Oo, boyfriend nga. Ang sarap sa feeling at marinig na boyfriend ko na uli ang lalaking ito. Walang wala na talagang makakapaghiwalay pa sa amin. Hinding hindi ko na hahayaan pang may humadlang at maging dahilan ng paghihiwalay naming dalawa ni Chace.

"Hey." Napakurap ako ng iwasiwas ni Chace ang kamay niya sa ere kaya napatingin natin ako sa kanya.

"Is there anything wrong?" Tanong niya ng may maaaninag na pag-aalala sa mukha.

Napailing iling ako at ngumiti para mawala ang pag-aalala sa kanyang mukha.

"Wala. Iniisip ko lang kung gaano kasaya ang mamuhay ng kasama ka." Sagot ko saka agad na yumakap sa kanya.

Kaming dalawa nalang sa opisina niya kaya naman nakakapaglambing ako ng ganito sa kanya. Oras narin siguro para alisin ang takot ko. Ito na ba ang happy ending na pinapangarap ng bawat babaeng katulad ko.

"You deserve to be with me and I deserve to be with you. We deserve to be happy Cherry." Aniya saka ako hinalikan sa noo.

"I really don't know what will happen to me if I could lose you again Chace."

"That wouldn't happen. I won't allow them to separate us over and over again." Sabi niya pa saka hinaplos ang kanang pisngi ko.

"Kumain na tayo?" Yaya ko dahil kanina ko pa napapansing panay lunok niya na habang nakatingin sa pagkain nakahain ngayon sa harapan namin. Kahit hindi niya sabihin ay alam kong nagugutom na siya.

"Sige." Sagot niya ng may ngiti sa labi.

"Alam kong kanina ka pa naglalaway eh." Panunukso ko

"Hindi naman."

"Talaga?" Pangsusubok ko.

"Oo kaya."

"Sige, maya nalang muna tayo kumain. Magkwentuhan na muna tayo Chace ah?" Sabi ko na siya naman natulala siya

Mukha na siyang aso na nagmamakaawang makahingi ng pagkain sa expression ng mukha niya. Yun bang nawalan na ng pag-asa sa buhay? Ganun siya ngayon. Napansin ko ring napahawak narin siya sa kanyang tiyan kaya naman natawa nalang ako bigla.

"Bakit ka tumatawa?" Tanong niya at napakamot nalang sa batok

"Nagwawala na ba yang mga alaga mo?" Matawa-tawa kong tanong.

TUTOR IN BED 2 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon