TIB2 / 27 - Raging Emotions

7K 114 19
                                        

CHACE POV
"Buksan mo 'to!" sigaw ko mula sa labas at panay katok sa salamin.

"Cherry!" tawag ko sa kanya ng hawiin niya ang kurtina

"Kausapin mo ako!"

"Buksan mo 'to!"

"Pakiusap! Mag-usap tayo! Huwag ganito! Huwag mo akong iwasan! Pag-usapan natin 'to!"

"Sabihin mo. Ano bang problema? Maiintindihan ko! Sabihin mo lang kung ano yun! Hindi yung ganito! Pinapahirapan mo lang ako! Lalo na yang sarili mo!" sigaw ko

Hinaplos niya ang salamin na parang hinahagkan ang pisngi ko dahil nakatapat ang mukha ko.

"Mahal na mahal kita!" sigaw ko uli para marinig niya

Wala akong tigil sa pagkatok para pagbuksan niya ako pero mukhang hindi niya talaga ako marinig.

"Mahal na mahal kita.." bulong ko pero alam kong maiintindihan yun.

Bakit niya ba ginagawa ito? Bakit ba lagi na lang niya akong tinataguan? Bakit ba lagi niya akong iniiwasan? May mali ba akong nasabi? May kasalanan ba akong nagawa? Sa pagkakaalam ko naman ay wala. Pero bakit niya ito ginagawa? Bakit niya ako pinapahirapan ng husto?

Sisigaw pa sana ako ng agad niya muling hinawi ang kurtina dahilan para hindi ko na siya makita pa dahil sa makapal na tela nito.

Ang hirap.

Ang hirap naman.

Ang hirap mo namang mahalin Cherry.

Bumaba na akong veranda at umakyat sa pader para makabalik na sa kotse ko. Nanatili lang ako saglit para magpahinga at mag-isip ng plano. Hindi ako papayag na ganito nalang. Kailangan ko ng paliwanag mo. Kailangan ko marinig mismo sa bibig mo ang mga dahilan mo.

Lagi mo nalang akong iniiwasan at alam kong may tinatago ka. Aalamin ko yun at hindi ako titigil.

Nagpasya na akong bumalik sa kompanya para ipagpatuloy ang trabaho ko. Kailangan ko pang tapusin yun para bumalik uli mamaya kay Cherry.

Nakabusangot akong naglalakad papasok. Nagtitinginan at bumabati sa akin ang mga empleyado pero wala man lang akong sagot. Pasensya nalang dahil wala ako sa mood. Mainit ang ulo ko. Galit ako sa nangyayari sa amin ni Cherry.

Padabog kong sinara ang pinto ng opisina ko dahilan para magulat si Ginger pero hindi ko nalang pinansin bagkus nagtuloy tuloy lang ako at naupo na sa upuan ko.

"Oh. Nandito ka na pala. Saan ka ba nagpunta kanina?" tanong ni Ruby na basta basta nalang pumasok sa opisina ko.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko.

"Relax Chace. Dinalhan lang kita ng lunch mo. Ako ang nagluto nito kaya heto." aniya saka lapag at pakita ng baonan sa mesa ko.

"Umalis ka rito." sabi ko na pilit na kinakalma ang sarili.

"What's wrong with you? Ayaw mo ba? Oh. Wait. Bibili nalang ako sa baba." aniya pa

"You don't have to. Just get out of here and bring that thing of yours." pinipigilan ko ang sarili dahil baka bigla nalang akong sumabog sa galit at siya pa ang mapagbuntunan ko

"Chace? May problema ba? Pwede mo naman sabihin sa akin eh." tanong na ikinaiirita ko na

"Wala." sagot ko nalang at binuklat ang mga folder para magbasa na

"Tell me, is this all about Cherry? Ano sinaktan ka niya? Sabi ko naman sayo, nandito naman ako pero bakit--"

"Will you shut the fvck?! Get out of here or else I'll drag you outside of this company!! And bring this damn thing with you!!" sigaw ko at hagis ng baonan na bigay niya

TUTOR IN BED 2 ✔Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon