Habang pinapanood ko si Cherry na himbing sa tulog ay bigla namang nagring ang cellphone ko. Tinignan ko na muna kung sino ang tumatawag, ngunit si Xena pala. Nakalimutan kong sabihan sila ni Apple na nahanap ko na si Cherry.
"Hello? Chace si Cherry? Nahanap mo na ba?" nag-aalala niyang tanong.
"Oo, pasensya ka na dahil hindi agad kita nasabihan. Umiiyak kasi siya nung naabutan ko." paliwanag ko.
"Okay lang basta ang importante ay maayos na siya. Ah, pwede ko ba siyang dalawin dyan?"
"Pwedeng pwede. Baka makatulong pa kayong mga kaibigan niya."
"Sige, salamat. Papunta na ako." sagot niya saka binaba na ang tawag.
-
Hinintay ko sila sa harap ng bahay para salubungin. Tulad ni Xena ay pupunta din si Apple. Hindi ko nga lang alam kung magkasundo na uli sila. Sana lang. Para narin sa kapakanan ni Cherry. Baka kasi mag-away pa sila sa harapan niya at makasama pa yun sa kanya.
Sa di kalayuan ay may natatanaw na akong sasakyan. Ngunit sa magkabilang dako ito ng daan, hindi ko matukoy kung sino ang sino sa kanila at kung isa nga sa kanila.
Sa kasamaang palad ay halos magkasabay lang nilang pinasok ang kotse nila sa malaki naming garahe. At dun na sila nagkasabay na lumabas mula sa kanilang kotse at agad na lumapit sa akin.
"Chace!" sabay nilang tawag at saka sila nagkatinginan. Ramdam ko ang awkwardness sa kanilang dalawa kaya maa mabuti pa ay ako nalang ang magsalita.
"Nasa swimming pool area siya. Kailangan na kailangan niya kayo ngayon pero sa tingin ko ay mas kailangan niyo munang magkasundo para narin sa ikasasaya niya." lintana ko.
"Wala naman akong kaso sayo Apple, ang akin lang maging ayos kayo ni Cherry sa naging away niyo. Pagkatapos nun ay ayos na tayong lahat." sabi ni Xena kay Apple na mangiyak ngiyak na saka niyakap ang kaibigan.
"Salamat Xena." tugon nito saka bumaling sakin ng tingin matapos silang magyakapan. "Chace, sana mapatawad mo ako sa lahat ng nagawa ko sa inyo. Akala ko kasi ay 'yon ang makakabuti pero nagkamali ako."
"Kung hindi mo ginawa ang mga yun ay hindi kami magiging matatag ni Cherry kaya salamat narin sayo. Oh, paano? Puntahan niyo na siya. Ihahatiran ko nalang kayo ng meryenda." saad ko
BINABASA MO ANG
TUTOR IN BED 2 ✔
RomancePlease read the Book 1 first :) WARNING: Not suitable for young readers and sensible minds. It contains graphic sex scenes, adult languages, and situation intended for mature readers only. *Cover photo not mine. Credit to the owner.