TIB2 / 18 - Torn Between Two Lovers

10.5K 161 2
                                    

ROSE / CHERRY POV
Maulan na ng umuwi ako. Lumalalim narin ang gabi pero kailangan ko paring umuwi. Kanina pa kasi tawag ng tawag si Juno at mukhang nag-aalala na ng sobra. Napapayag ko rin namang si Chace na umalis ako kahit na ayaw na ayaw niya.

Kinailangan ko pang makipagtalo sa kanya dahil selos na selos na talaga siya kay Juno baka daw maagaw ako mula sa kanya kaya takot na takot siya pero nakumbinsi ko rin naman siya.

"Hindi ka aalis Cherry." ma-otoridad niyang sabi.

"Chace. Ano ka ba? Magtataka si Juno kapag hindi ako umuwi." paliwanag ko

"Edi sabihin mo ang totoo."

"Hindi madaling gawin yun Chace. Masasaktan ko siya." saad ko

"Bakit? Sa tingin mo hindi siya masasaktan ng husto kapag nalaman niya? Siguradong mas masasaktan siya dahil inilihim mo pa." natauhan ako sa sinabi niya

Kaya lang.

"Kaya lang kasi. Wala na siyang pamilya na matatakbuhan. Wala siyang kamag-anak na tutulong sa kanya." napaupo ako sa gilid ng kama pagkasabi ko nun.

"Cherry naman.. Mas mahihirapan ka niyan.. Tayo.. Mas mahirap sa atin 'tong ganito.." saad naman ni Chace saka hinawakan ang dalawa kong kamay

"Alam ko pero.. Paano si Juno? Paano nalang siya?"

Natahimik si Chace at napabitaw sa pagkakahawak sa mga kamay ko. "Mahal mo na siya? Mas mahal mo siya kumpara sa akin?" aniya na may sakit sa bawat salitang binibitawan.

Nagulantang ang buobg sistema ko sa reaksyon niya kaya agad ko siyang niyakap. "Please. Wag mo ng sabihin ang mga salitang yan. Wag mo naman sanang pagdudahan ang pagmamahal ko sayo Chace." pang aalo ko sa kanya at haplos sa likod niya dahil sa mukhang bata na siya na parang naagawan ng kendi.

"Ikaw naman kasi.. Pakiramdam ko ay wala na akong halaga sayo.."

"Chace naman.. Para kang bata.." sabi ko sabay hampas sa braso niya

Napahiga nalang siya sa kama at nakatingin sa kisame. Ano na naman kayang naglalaro sa isip ng lalaking ito?

Nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Gustuhin ko mang manatili ay hindi ko magawa ng basta basta sapagkat walang kasama si Juno na palagi nalang pagod galing trabaho.

"Chace.." tawag ko sa kanya at lapit ng mukha sa kanyang mukha.

Iniarko naman niya ang braso niya na parang inaakbayan ako. "Ganito nalang ba palagi? Kung oo, Hanggang kailan tayo magiging ganito?"

"Chace.. Intindihin mo naman ako oh.. Yung sitwasyon ko.. Alam mong malaki ang utang na loob ko kay Juno. Kung hindi dahil sa kanya ay malamang nakikipag-usap ka parin sa malamig na lapida hanggang ngayon." lintana ko.

Napabuntong hininga nalang siya saka inilagay ang mga nahuhulog kong buhok sa likod ng aking tenga na halatang pinag-iisipan ang mga sinabi ko.

"Fine. But please, makipagkita ka sa akin. Mababaliw ako kapag hindi kita nakikita. Sobra kaya kitang namiss." sagot niya saka niyakap ako.

"Salamat sa pang-unawa Chace." sabi ko saka dampi sa labi niya ng mabilis.

"Ganun talaga. Mahal kita eh." tugon niya saka halik sa noo ko.

"Sige, magbibihis na ako." paalam ko saka biglang tayo.

"Ihahatid na kita para malaman ko kung saan ka nakatira." saad niya kaya naman napatigil ako sa panghahalungkat ng damit sa closet ko.

TUTOR IN BED 2 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon