BossyWITCH - This Chapter is dedicated to you. Isa ka sa mga taong matiyagang nagbabasa ng kwentong ito mula pa Book1 hanggang Book2. Salamat sayo ( ͡ʘ ͜ʖ ͡ʘ)
At sa iba pa na pabalik balik sa kwentong ito (^_^)/"
- - -
Namasyal kami nila Xena at Apple matapos silang bumisita sa bahay. Kinaladkad nila ako ng hindi man lang pinapasama kahit isa sa mga body guard ko dahil sa pumayag narin daw si Chace kaya ano pa bang magagawa ko?
Ang dami nga lang naming napuntahan kaya namimitik na yung ugat ko sa binti. Hindi na rin kasi ako masyadong nakakapag-exercise ngayon saka parang tinatamad na ako.
Nung nakaramdam narin kami ng pagod ay napagpasyahan na muna naming magpahinga bago nila ako ihatid pauwi dahil may mga trabaho pa raw silang kailangang gawin.
Pagkauwi sa bahay ay bigla akong nakaramdam uli ng tamlay mas lalo na nung naabutan kong walang tao sa kwarto. Wala si Chace. Iginala ko ang aking paningin sa apat na sulok ng kwarto. Puti at Pula ang kombinasyon ng paboritong kulay ng kwarto namin.
Wala sa loob akong napatayo at naglakad papuntang bintana ngunit agad ring napahinto. Pinagmasdan ang isang larawan na kung saan ay pareho kaming nakatawa. Bakas sa aming mga mata ang saya na para bang wala ng darating pang problema.
Agad kong kinuha ang aking cellphone sa aking bag para tawagan siya ngunit walang ibang ginawa ito kundi mag-ring lang ng mag-ring. Nakatatlong beses na ako ng tawag pero wala parin. Nagdaan ang araw hanggang sa napalitan ng buwan at mga bituin sa langit. Panibagong araw na naman ang nagdaan. Nagising ako sa silaw nito.
Wala sa loob akong napabangon at nilingon ang katabi ko pero sa kasamaang palad ay wala siya. Wala parin si Chace. Wala parin siya. Saan ba siya nagpunta? Wala naman siya sa aking sinabing aalis siya.
Dahil wala siya ay nakaramdam ako ng lungkot. Naramdaman kong mag-isa na naman ako. Naramdaman kong wala ng nagmamahal sa akin. Naramdaman kong ayoko siyang mawala uli sa akin dahil hindi ko na kakayanin pang mawalay sa kanya.
Hindi ako natigil kakaiyak. Hindi rin ako makaramdam ng gutom. Ni hindi pa nga ako nakakapagpalit ng damit ko kakahintay sa kanyang dumating kagabi hanggang sa makatulog ako.
Ngayon alam ko na.
Naging ganito lang ako dahil baka mawala sa akin ulo si Chace. Baka mawala siya uli sakin kapag nawala sakin yung baby namin. Baka iwan niya ako dahil napakawalang kwenta kong babae para pabayaan ang magiging anak namin. Kaya ako nagkakaganito kasi natatakot akong mawalan siya ng pagmamahal sa akin. Natatakot akong maghanap siya ng iba na makakapagbigay sa kanya ng matuturing niyang anak niya.
Napatayo ako bigla upang buksan ang closet niya. At doon ko lamang napagtanto na wala na ang iba niyang mga damit.
Napaupo nalang ako sa sahig habang naiiyak sa nakita. Iniwanan na nga niya ako. Kasalanan ko naman eh. Hindi ko pinakita sa kanya na mahal na mahal ko parin siya kahit na anong mangyari. Kaya ko pa naman siyang bigyan ng anak at mging isa kaming tunay at buong pamilya. Kaya ko pa naman yun pero bakit umalis siya at iniwan parin ako?
Hindi man lang siya nagpaalam dahil kung mangyari man ay pipigilan ko siya. Magmamakaawa ako na magsimula kaming muli. Na ibabalik namin yung dati. Yung dati na masaya kami at punong puno lang ng pagmamahal sa isa't isa.
Sa huling pagkakataon. Muli kong tinawagan ang cellphone niya ngunit out of coverage na. Pinatay na niya ito para hindi ko lang siya matawagan. Ito ba ang kapalit ng pag-iinarte at pagdadrama ko? Ang mawala siya? Hindi ko yata kakayanin ito.
BINABASA MO ANG
TUTOR IN BED 2 ✔
Storie d'amorePlease read the Book 1 first :) WARNING: Not suitable for young readers and sensible minds. It contains graphic sex scenes, adult languages, and situation intended for mature readers only. *Cover photo not mine. Credit to the owner.