TIB2 / 15 - Found Each Other Again

9.3K 160 7
                                    

ROSE POV
Nang huminto ako sa pag-iyak ay tinawagan ko si Rocco na nasa dating Unit ako. Oo alam niya na buhay pa ako. Nabanggit nga niya sa akin na nabugbog niya si Chace noon nung akala niyang patay na ako pero baka wala narin sa kanya yun ngayon.

Lumabas ako para mamalengke at magluto ng makakain ko. Dito na lang muna ako magpapalipas ng araw pero uuwi rin naman ako mamayang gabi baka mag-alala si Juno kapag hindi ako umuwi.

Inayos ko ang mga sofa at tinanggal ko ang mga puting tela na nakatakip sa kanila. Ibinalik ko ang mga pula na mga sapin na mga ito pati narin sa bed sheet ng kama saka mga kurtina.

In-spray ko naman ang pabarito kong pabango dati na hindi ko naman pwedeng gamitin ngayon dahil baka maamoy ni Chace kapag nagkasalubong kami.

At dahil sa pawisan na rin ako ay naligo na muna ako. Isinuot ko ang isa sa mga naiwang damit ko rito na puro pula. Namiss ko ang mga damit kong ito. Wala naman sigurong masama kung isuot ko sila.

Habang nanonood ng palabas sa telebisyon ay minabuti kong kumain narin para hindi ako masyadong malungkot. Pinili ko yung channel na puro katatawanan nalang.

Kaya lang, may naalala akpng eksena. Eksena na kung saan ay sabay kaming nanonood ni Chace sa Tv at tumatawa. Kumakain ng kung anu anong ihanda kong meryenda.

Napatigil ako sa pagkain at napasandal sa sofa.

Ano ba naman 'to!

Siya na naman!

Kahit saang sulok ako ng unit tumingin ay mukha niya ang nakikita ko. Mapakama, banyo, sala at kusina ay may mga alaala kaming dalawa na labis kong namimiss.

At aminin ko man o hindi ay nakakamiss rin maging si Ruby. Yung Ruby na walang ibang ginawa noon kundi magpakasaya sa buhay at walang iniintinding problema kundi ang makapaghiganti lang kay Cristobal. Pero magkaiba na ngayon ang sitwasyon. Ibang iba na at alam kong hindi na ako pwedeng maging si Ruby kahit na kailan pa man.

Mula nung minahal ko siya. Mula nung umikot ang mundo ko sa kanya. Mula nung minahal niya rin ako sa pagmamahal na akala ko ay hindi totoo. Ano nga vang rason mo kung bakit mo ako sinaktan noon? Wala akong kaalam alam. Pero kahit na ganun pa man ay hindi ko kayang magalit sayo. Bagkus mas minahal pa kita ng todo at higit pa sa kayang kong ibigay para sayo.

Kung sana pwede lang ibalik ang oras para makasama uli kita ay gagawin ko kaso alam kong imposible at hindi na kailan pa mangyayari pa.





CHACE POV
Kanina pa ako hindi mapakali. Mula ng makita ko ang malungkot na mukha ni Rose kanina parang nakikita ko sa mukha niya si Cherry na malungkot rin. Hindi ko alam pero nagiguilty ako kanina. Na parang nagkasala ako sa harap ni Cherry.

Sa kalagitnaan ng pagdridrive ko ay napahinto ako sa isang tabi. Dadaan nalang muna ako sa puntod niya.

Iniliko ko ang kotse at nagpunta sa flower shop saka naglakad papuntang puntod ni Cherry. Nanatili lang akong nakatayo at nakapamulsa.

Saan nga ba ako mag-uumpisa? Ano nga bang sasabihin ko?

"Nasasaktan kita alam ko. Kung nakikita mo lang ako ay alam kong masasaktan talaga kita. Huwag kang mag-alala wala ka namang dapat ipagselos. Alam mong ikaw lang naman ang mahal ko diba?"

Naupo ako na ako pero nakasuporta ang dalawa kong paa.

"Nag-aalala lang naman ako sa anak ni Ruby dahil hindi siya pinanagutan ng lalaking may gawa sa kanya nun at hindi naman niya kilala ang ama. Sana maintindihan mo ako. Ikaw lang ang mahal ko." sabi ko saka umalis na.

TUTOR IN BED 2 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon