SPECIAL CHAPTER for RUBY and RUSTY, requested by Pink_cessa.
(^_^)v
♡ ♡ ♡
RUBY POV
"It's already late and you're still awake?" rinig kong nagsalita mula sa likuran ko kaya nilingon ko siya.
It's Rusty again.
Inirapan ko lang siya sa humarap uli sa pool na kanina ko pa pinagmamasdan.
"Makakasama sa baby mo ang pagpupuyat mo." dagdag niya pa.
"Why are you here?" tanong ko nalang saka umupo sa bakanteng upuang katapat
"Dahil dito ako nakatira?" aniya saka binuksan ang isang lollipop.
Masira sana ngipin niya!
"Alam ko. Pero diba dapat may gig kayo?" tanong ko na nakapagpataas ng kilay niya. "Nabanggit sa akin ni Manang Yoli." dagdag ko baka kasi assuming siya.
"Postphone eh."
Hindi ko na siya kinibo matapos niyang sumagot dahil wala na akong maisip pang itanong at wala naman talaga akong intensyong kausapin siya. Sadyang wala lang akong magawa at nababagot na.
Lumipas rin ang ilang minuto sa amin. Tanging ihip lang ng hangin ang maririnig at ang nakakabinging katahimikan ng bigla siyang magsalita.
"Hinihintay mo ang kapatid ko?" tanong niya.
Sino pa ba? Siya lang naman ang dahilan ko. si Chace lang namam ang mahal ko.
"He can't make it. He's with another girl." aniya na hindi ko na ikinagulat.
"I know. I saw them."
"Really?" tanong niya na napalapit ang mukha sa akin. Maging ang hininga niya ay amoy strawberry dahil sa lollipop na kanina pa nasa bibig niya.
Kamuntik pa nga akong matusok eh. Tsk. Balahurang lalaki talaga 'to.
"Ah. Sorry." sabi niya saka umayos na ng pag-upo. "So, anong itsura ng babae?"
Nang init ang ulo ko. Ano bang klaseng mga lalaki 'to? Magkapatid nga sila ni Chace. Hays. Pareho silang ewan sa buhay eh.
"Ewan ko sayo."
Sagot ko nalang din kasi naiirita na ako. Bakit ba masyado silang interesado sa ibang babae?
Yun nga rin ang kinaiinis ko dahil hindi ko man lang nakita ang pagmumukha ng babaeng yun at talagang iniwan pa nila dito yung kotse niya.
Butasin ko nalang kaya yung gulong?
"Bat lukot lukot na yang mukha mo?" tanong uli ng isa
"Wala kang pakialam kaya pwede ba, umakyat ka na?"
"Ayoko pa."
Tinignan ko siya dahil halata namang trip niyang asarin uli ako ngayong gabi.
"Ano bang nagustuhan mo sa kapatid ko?" tanong niya
"Wala ka ng pakialam dun!"
"Tsk. Nagtatanong lang. Masama na bang magtanong ngayon?"
"Para sa isang lalaking tulad mo, bakit sobrang daldal mo?"
"Really? Madaldal ako? Sayo lang naman ako nagiging madaldal ah."
*dug.dug.dug.dug*
Ano 'to?
Ba't ako kinabahan bigla?
May nangyari bang masama kay Chace?
"Dami mong alam!" sabi ko nalang saka kinapa ang cellphone sa bulsa ko para tawagan si Chace pero out of coverage parin siya.
BINABASA MO ANG
TUTOR IN BED 2 ✔
RomancePlease read the Book 1 first :) WARNING: Not suitable for young readers and sensible minds. It contains graphic sex scenes, adult languages, and situation intended for mature readers only. *Cover photo not mine. Credit to the owner.
