TIB2 / 14 - Misunderstanding

7.8K 149 2
                                    

CHACE POV
Tahimik akong naupo sa sala habang nagbabasa ng magazine. Para narin malibang naman. Pakiramdam ko kasi punong puno na ang utak ko sa pagtratrabaho.

"Kuya!"

Napagitla ako sa biglang pagtawag sa akin ni Angel. Kitang kita ko ang malapad niyang ngiti na labas ang mga ngipin.

Lumapit siya sa akin at tumabi saka humawak sa braso ko. Ang lambing talaga ng kapatid kong 'to. Kaya naman itiniklop ko ang magazine sa ibabaw ng center table.

"Nakahanap na ako ng Event Organizer para sa Engagement at Wedding namin ni Andrew!" masaya niyang sabi.

Napakunot noo naman ako. Alam ko kasi may nakuha na siya dati pa? "Akala ko ba may nakuha na kayo?" tanong ko.

"I don't like that girl Kuya! Grabe siyang makatingin kay Andrew ko!" sabi niya saka crossed arms at nakasimangot na.

"Tsk. Hindi naman papatulan ni Drew yun." tugon ko.

"Alam ko pero nakakainis eh! Mabuti pa yung bagong kaibigan ko na mukhang mabait at ate na ang tawag ko sa kanya. Ang ganda nga ng pangalan niya eh, Ro--"

"Nagseselos na naman ang Anghel." sabi Drew na kararating lang na nakapamulsa sa magkabila.

Tumayo si Angel at kumapit sa kanyang braso saka humalik sa pisngi ni Drew. Kahit kailan talaga napaka-clingy ng kapatid kong ito.

"Sorry, hindi ko maiwasan."

Tumayo nalang ako at iiwanan nalang silang dalawa.

"Kuya, ipakilala ko siya sa inyo bukas ah!" sigaw ni Angel

"Sige lang." sagot ko.

Napahiga nalang ako sa kama at medyo nainis narin. Tama ba namang mang-inggit sila? Tsk. At ako naman, naiinggit rin.

Matutulog na sana ako ng maalala ko bigla yung babaeng nakaanuhan ko sa loob ng kotse ko. May suot siyang Cross na kwintas at hindi maalala ang mukha ni Cherry ang nakikita ko at bukambibig ko. Pero para kasing pareho sila ng boses ni Cherry. O baka naman, naalala ko lang yung eksenang yun namin ni Cherry? Pero wala akong maalala na nagkwan kami sa loob ng kotse ko kahit na mukhang exciting subukan saka hindi naman nagkwikwintas ng ganun si Cherry. Mahilig kasi siya sa Choker necklace at hindi ganung style.

*****

KINABUKASAN.

Medyo late na akong nagising dahil sa kakaisip kung ng kung anu ano kaya heto inaantok pa. Kaunti lang naman na ang aayusin ko ngayon dahil nagawa ko na yung iba kagabi kaya wala ng magiging problema.

"Goodmorning Sir." bati ng isa na naming kasambahay nagwawalis.

"Goodmorning." sagot ko at pababa na sana ng nagsalita uli ang kasambahay namin kaya naman napatigil ako.

"Pinapasabi nga po pala ni Maam Ruby na nagpacheck up daw po siya."

"Kanina pa ba siya umalis?"

"Opo."

"Sige. Salamat" sabi ko saka tuluyan na akong bumaba.

Nagdiretso ako sa dinning area para makapagbreakfast narin. Nang sa hindi kalayuan ay may naririnig akong mga nag-uusap.

Pagkapasok ko tumambad agad sa akin ang pagmumukha ni Andrew at nagulat siya ng makita ako. Sinesenyasan naman ako na parang pinapaalis na. Aba! Mahiya naman siya. Bahay namin to ah.

"Kuya! Goodmorning." sabi ni Angel ng mapansin ako. Lumapit siya at yumakap saka humalik sa pisngi ko.

Napansin ko namang may kasama sila pero hindi ko makita ang mukha dahil nakatalik ito sa akin nang mapalingon rin kaya naman nanlaki ang mga mata namin. Anong ginagawa niya rito? Bakit siya nandito?

TUTOR IN BED 2 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon