TIB2 / 33 - So Happy

4.1K 85 0
                                    

Namulat ako ng mga mata. Tumambad agad sa akin ang buhok ni Chace. Amoy na amoy ko parin ang ginamit naming shampoo kagabi. Napagpasyahan narin kasi naming maligo muna ng sabay bago matulog. Pinagmasdan ko ang mukha niya. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti dahil sa wakas ay magkasama na uli kami ng mahal ko.

Umangat ako para mahalikan siya sa pisngi bago ako tuluyang bumangon sa higaan. 

Hanggang sa naupo na ako sa gilid ng kama para isuot ang bathrobe pero nagulat ako ng nahila ito ng walang iba kundi si Chace.

"Where are you going?" tanong niya sa nang-aakit na boses 

"Maliligo na ako. Ipagluluto kita ng breakfast mo." sagot ko naman

Nangiti siya labas ang mga mapuputi niyang ngipin na parang may kapilyuhang plinaplano. 

"Ibang luto ang gusto ko." aniya ng biglang inihiga niya ako saka agad siyang pumaibabaw

"Ano ka ba? Male-late ka na oh?" paalala ko

"Kaya nga pakainin mo na ako." nakangisi niyang sabi

Bakit ba ganito na 'to ngayon? Pero gustong gusto ko naman.

"Kumain ka lang." matawa tawa kong sagot, "Pero magmomog na muna tayo." dagdag ko pa kaya napahinga siya sa palad niya na agad ring ngumiti

"Mabango pa naman hininga ko ah?"

Natawa ako sa sinabi niya, "Tara? Maligo ka na para makapasok ka na ng maaga baka may important meetings ka pa." yaya ko pero hindi parin talaga siya umaalis sa ibabaw ko

"Laters, pagkatapos kong kumain." aniya ng may nakakalokong ngiti

"Talaga lang ah?"

"Oo naman. And after that, paliguan mo ako." dagdag niya

"Aba. Aba Mister Chace Guttierez, mukhang umaabuso ka na ah? Paano kung malusyang ako? Hahanap ka ng mas bata at ipagpapalit ako?" biro ko

Ngunit mukhang hindi niya nakuha ang biro ko dahil biglang sumeryoso ang mukha niya at tuluyan ng nahiga sa tabi ko. Ipinatong niya pa ang braso niya sa mga mata niya kaya naman napatagilid akong nakatingin sa kanya.

"Chace? Biro ko lang yun." sabi ko saka yuyog ko sa braso niya

Pero wala akong nakuhang reaksyon o sagot man lang.

"Oy, Chace?" tawag ko at pilit na tinatanggal ang kanyang braso na nasa ibabaw ng kanyang mga mata.

Ewan ko ba pero nakaramdam na ako ng inis. Hindi ko alam kung bakit pero ayoko ng ganitong eksena. Yung may problema ang isa at hindi man lang sasabihin sayo kung ano yun. For pete's sake! Hindi ako manghuhula.

Babangon na sana ako ng bigla niyang hilahin ang kamay ko dahilan para mapahiga uli ako kaso naalala ko. Buntis nga pala ako tapos ganun ganun nalang siyang makapwersa sa akin. Baka kung ano pang mangyari sa baby namin kapag nagkataon. Paano kung naging special child 'to? 

"Sorry." aniya saka siksik ng mukha niya sa leeg ko

"Chace. Pwede bang huwag mo ng gawin ulit yun?" sabi ko

"Ang alin?" tanong niya saka tinignan ako

"Buntis ako Chace. Kung maari lang sana ay huwag mo na akong tinutulak o hinihila hila. Baka kung anong mangyari sa anak natin." seryoso kong sabi

Napamaang naman siya sa sinabi ko at tila naalala ang kalagayan ko. "Naku! Sorry." sabi niya sa akin at hinimas ang tyan ko, "Sorry din Baby." 

"At isa pa."

Napatingin na naman siya sa akin.

"Huwag mo na akong dadaganan."

"Sige. Salamat dahil pinaalala mo. Sorry. Hindi na mauulit." aniya saka halik sa noo ko

TUTOR IN BED 2 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon