TIB2 / 32 - Make Love To You

12.4K 152 10
                                    

"Okay ka lang?" tanong ni Chace

"Ahm. Okay lang naman." sagot ko

"Hindi ganun ang nakikita ko sayo." aniya saka baba ng mga gamit ko sa labas ng pinto ng bahay nila.

Humarap siya sa akin at hinawakan ang dalawa kong kamay.

"Wala kang dapat na ikabahala. Nandito lang ako. Mahal na mahal kita." sabi niya saka halik sa noo ko at yakap na rin.

"Mahal na mahal rin kita." sagot ko

Nasa magandang momento na sana kami nung biglang bumukas ang pinto dahilan para mahuli kami ni Angel na nagyayakapan kaya naman napakalas ako ng wala sa oras mula sa mga bisig ni Chace.

"Oooh." sambit ni Angel ng may pilyang ngiti sa labi kaya naman napangiti narin ako. "Pumasok na kayo dito baka sugurin pa kayo ng mga langgam." aniya na ngingiti ngiti pa.

Nagkatingin kami ni Chace at nagkangitian narin. Binuhat niya ang mga gamit ko sa kanyang kaliwang kamay at hawak naman ng kanan niya ang akong kaliwang kamay papasok ng bahay.

Nagdire-diretso kami sa loob hanggang sa sala.

At doon, nakaupo at naghihintay ang kanyang pamilya. Kita ko sa mga mukha nila ang pagkabigla lalo na si Ruby na mukhang galit na galit pa pero hindi ko nalang siya pinansin. Mas hinigpitan ko pa ang hawak ko sa kamay ni Chace at napansin niya iyon.

Inilapag niya ang mga gamit ko, "Palagay naman sa kwarto ko. Salamat." utos niya sa dalawang kasambahay na siya namang sunod nila.

Inalalayan niya akong umupo na siya rin namang upo niya sa tabi ko. Nanatili paring magkahawak ang aming mga kamay na siya namang pinagkukuhanan ko ng lakas dahil sa totoo lang ay kinakabahan ako ng sobra na baka hindi nila ako matanggap.

"Si Cherry Agoncillo po. Yung babaeng mahal na mahal ko noon pa. Hindi po siya totoong namatay. Nagpunta siya sa ibang bansa para doon magpagaling mula sa sakit niya."

"Ahm. Kumusta po kayo?" tanong ko dahil wala akong maisip pang sabihin lalo na sa ganitong eksena dahil totoo nga palang nakakakaba ang ipakilala ka sa pamilya ng taong minamahal mo.

"Nice meeting you Iha. Ako nga pala si Richard Guttierez ang totoong ama ni Chace." pakilala nito ng nakangiti

"I'm Rusty, Chace's older brother. Nice to meet you." kaswal na pakilala naman ng Kuya na nakangiti.

"Ako Ate, kilala mo na ako eh. Ngapala, Dad. Alam mo na ba na siya yung Event Organizer namin ni Drew sa Engagement at Wedding namin?" sabi naman ni Angel

"Really? Ang galing mo naman pala." puri sa akin ni Tito

"Tapos siya rin yung Organizer ng 100th Anniversary ng Company." dagdag pa ni Angel.

"Wow. Talented ka naman pala Iha."

"Hindi naman po. Ginawa ko lang po yung alam kong magugustuhan po talaga." sagot ko at nangiti rin.

Mukha namang mabait si Tito pero hindi ko parin maiwasang hindi mapakali dahil naaalala ko si Crisanto. Ang ama amahan ni Chace noon pa. Kinakabahan ako dahil parang bumabalik ang takot ko. Paano ko 'to lalabanan?

"Ah, Dad. Dito na muna siya titira for the mean time. Okay lang ba sa inyo?" tanong ni Chace sa kanila

"Okay lang sakin anak."

"I'm fine with it Bro." sagot ng kuya niya

"Gusto ko yan Kuya. Makakasama ko si Ate dito." tuwang tuwang sabi naman ni Angel na ikinatuwa ko rin.

"Talaga? Salamat."

"Oo naman."

****

TUTOR IN BED 2 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon