Ngumiti na lang ako ng pilit. Ramdam ko ang saya nila kahit silang tatlo lang ang magkasama. Nung ipinanganak daw kasi ng asawa ni Papa si Angel ay nabawian agad ng siya ng buhay kaya si Papa narin ang tumatayong ina at ama sa kanila. Pero alam naman daw nung asawa nila na may anak sila sa labas at ako yun."So, Pa? kailan mo ba balak mag-asawa uli?" Tanong ni Kuya Rusty
"Ah. Ewan! Kumain na nga lang kayo!" Bulaslas ni Papa saka diretso sa pagsubo.
"Ang duga ni Papa. Dalaga na ako Pa. Alangan namang ikaw pa ang magmake-up sa akin?" Hirit naman ni Angel
"Ah! Alam ko na Pa! Makipag-blind date ka!" Suhestyon ni Kuya Rusty kaya natawa na lang din ako dahil sa kukulit nilang dalawa ni Angel.
"Alam niyo? Kayong dalawa? Magtigil na kayo. Hindi niyo man lang magaya si Chace." Hala. Ako na naman nakita ni Papa.
"Ako?" Turo ko sa sarili ko
"Oo. Ang tahimik mo kasi anak."
Ngumiti muna ako sabay sabing "Dati rin akong tulad nila. Ubod ng kulit at masiyahin pero.." hindi ko na maituloy ang sasabihin ng maalala ko uli si Cherry
"Ayos ka lang Kuya?" Tanong ni Angel
Napayuko ako. Siguro ay oras na para malaman na nila ang dahilan ko. Anim na buwan na akong nakatira sa kanila pero hindi ko pa masabi sabi.
"Wala na siya. Iniwan na niya ako at kasalanan ko yun. Habang buhay kong sisisihin ang sarili ko dahil sa pagkawala niya. Dalawang taon na ang nakalipas pero parang kahapon lang nangyari."
"Kuya.." ani ni Angel at bakas sa kanilang mukha ang lungkot
"Excuse me." Saad ko saka tumayo na papuntang kwarto ko.
Okay narin siguro 'to. Kailangan rin nilang maintindihan ang sitwasyon ko. Para hindi rin ako mahirapang mag-adjust sa bahay na 'to.
Ako na ngayon si Chace Guttierez. Wala na si Chace Labarinto na hindi naman talaga ako. Magmula kasi ng malaman kong hindi ko tunay na ama si Daddy ay tinanong ko si Mommy tungkol dito at inamin niya rin naman agad.
Tumalon ako sa kama ko ng nakadapa at nakasubsob ang mukha. Miss na miss na kita Cherry. Kung nasaan ka man ngayon sana maging masaya ka na.
Napalundag ako ng biglang mag-vibrate ang cellphone ko. Tinatamad pa nga akong kunin sa bulsa ko pero hindi kasi
magtigil sa kaka-ring kaya napilitan narin akong sagutin ng hindi man lang tinitignan kung sino ang tumatawag."Hello."
(P're! Bakit ang tagal mo naman yatang sagutin ang tawag ng gwapong 'to?)
Pinigilan ko nalang ang pag-ikot ng mga mata ko dahil nakabalik narin siya.
"Talaga lang ha?"
(Oo naman. Oh, nasaan ka ba?)
"Sa bahay."
(Bahay ng mga Labarinto o Guttierez?)
"Saan pa nga ba?" Tanong ko
(Ang sungit ah. Oo na alam ko, kabilang ka na sa Guttierez Family.)
"So, what?"
(Grabe. Ang sungit. Daig pa ang babaeng may tuldok.)
"Ano bang kailangan mo?" Inis kong tanong.
(Tara, inom nalang tayo para naman maaliw ka.)
"Sige." Sagot ko rin. Wala narin akong gagawin.
(Sunduin mo ako.)
BINABASA MO ANG
TUTOR IN BED 2 ✔
RomancePlease read the Book 1 first :) WARNING: Not suitable for young readers and sensible minds. It contains graphic sex scenes, adult languages, and situation intended for mature readers only. *Cover photo not mine. Credit to the owner.