● CHACE ●
Walang imik.Hindi sumasagot.
Salita ako ng salita pero wala akong nakukuhang sagot. Mas mabuti pa yatang kausapin ko nalang ang sarili ko kaysa naman siya ang kausapin ko. Kaso ano nga bang karapatan kong magalit kung ganyan naman siya. At isa pa, mawawala ako sa lugar kung pinairal ko pa iyo.
Naaawa ako kay Cherry.
Naaawa akong makita siyang ganyan na wala man lang ekspresyon ang kanyang mukha.
Wala na siyang pinapakitang emosyon kaya mas nag-aalala na ako ng husto.
Mula nung..
"So, wala kang balak sabihin sa akin ang totoo?" tanong niya ng maluha luha.
Nilapitan ko siya at hinawakan ang dalawang kamay. "Cherry."
Agad niyang binawi ang kanyang kamay at kita ko sa mga mata niya ang pagkayamot sa akin.
"Ano? Pakakainin mo muna ako? Ipapaubos mo muna sa akin 'tong lugaw na 'to!?" aniya saka tapon ng mangkok na naglalaman ng lugaw.
"Cherry, ginawa ko lang yun dahil ayokong magutom ka. Dahil alam ko mahirap ka ng pakainin kapag nalaman mo na." mahinahon kong sagot.
Napailing iling siya sa sinabi ko. Gaya ng kanina ay pumapatak parin ang mga luha sa kanyang mga mata. Ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya at ayoko siyang nakikitang nasasaktan ng ganito. Parang pinipilas ng paulit ulit ang puso ko nang dahil sa mga nakikita kong paghihirap niya.
"Hindi mo naiintindihan Chace.."
"Cherry.." hinawakan ko uli ang kamay niya pero binawi niya lang uli.
"Iwan mo na muna ako." aniya saka humiga at tumalikod na sa akin.
Napahinga nalang ako ng malalim. Sa tingin ko ay kailangan na muna niyang mapag-isa kahit ayoko man pero gusto niya kaya wala na akong magagawa pa.
BINABASA MO ANG
TUTOR IN BED 2 ✔
RomancePlease read the Book 1 first :) WARNING: Not suitable for young readers and sensible minds. It contains graphic sex scenes, adult languages, and situation intended for mature readers only. *Cover photo not mine. Credit to the owner.