TIB2 / 37 - Her Sorry

6.9K 121 6
                                        

RUBY
Punong puno ng galit ang tingin ko sa taong kaharap ko ngayon. Nagngingitngit ang mga ngipin ko at sobrang panggigigil ng mga kamay ko. Gusto kong maranasan niya kung paano mawalan ng anak. Gusto kong iparanas ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Gusto kong maging miserable din siya kagaya ko ngayon. Gustong gusto kong gawin ang lahat ng iyon pero hindi ko magawa. May kung anong pumipigil sa akin upang makamit ang aking inaasam.

"I'm sorry." mahina niyang sabi ngunit sapat na marinig ko.

"Sorry? Yun lang ang masasabi mo?" pagtitimpi kong tanong.

"Hindi ko kasi alam na.."

Hindi ko na siya pinatapos na magsaliba bagkus ay ako na ang gumawa.

"Hindi mo alam na buntis ako?"

Napatingin siya sa akin saka napayuko nalang.

"Sabihin mo nga Ruby. Paano kung magkunwari ako?"

"Ha?"

"Paano kung magkunwari akong alam ko na buntis ka? Tapos itulak kita?"

Kita ko sa mukha niya ang pag-aalala at bahagyang napatingin sa pintuan pababa ng rooftop na ito.

"Bakit? Natatakot ka ba? Hindi ba, hindi mo naman gusto ang batang iyan noong una?"

"Cherry.."

"Totoo naman ang sinabi ko. Hindi ba?" tanong ko sabay taas ng isang kilay.

"Noon yun. Hindi na ngayon." sagot niya saka siya namang hawak sa tiyan na lalong ikinainis ko pa.

"Bakit? Dahil si Chace uli ang paaakuhin mo sa batang yan?! Lalo na ngayong wala na ang baby namin?!" pasigaw kong sabi kaya naman napaatras siya.

"Hindi. Nagkakamali ka." saka atras niya.

Unti unti akong umaabante papunta sa kanya na siya namang atras niya. Kita ko na ang labis na takot at pag-aalala niya. Hindi narin siya mapakali. Grabeng pagpapawis narin niya.

"Huwag kang magmalinis Ruby! Diba nga galit na galit ka ng malaman mong buhay ako?! Na sana namatay na lang talaga ako!"

"Oo, inaamin ko pero hindi ko sinasadya ang pagkawala ng anak mo."  paalala niya kaya pumitik ang inis ko sa kanya.

Hanggang sa wala na siyang ibang maiaatras pa. Napahawak narin siya sa railings. Kapit na kapit at wari hindi kakalas sa oras na mahulog

"Cherry. Sorry talaga. Hindi ko sinasadya. Maawa ka." aniya na maluha luha na.

"Maawa? Ikaw ba naawa sa akin?! Saan ka ba kumukuha ng kapag ng mukha?! Bakit nandito ka parin sa bahay na ito matapos mong patayin ang anak ko?!!" sigaw ko sa kanya.

"Sinabi ko na sayo, hindi ko alam na buntis ka." sagot niya saka naiyak na ng tuluyan dahil sa takot.

Isang pulgada na ang pagitan naming dalawa. Magagawa ko na kung anuman ang gusto kong gawin sa kanya. Ngunit sa dami noon ay hindi ko alam ang uunahin ko.

"Sige. Magkukunwari rin akong hindi ko alam na buntis ka." tuwid kong sabi saka tingin ng matalim sa kanya.

"Huwag. Please?"

Hindi ko pinakinggan ang pakiusap niya bagkus hinawakan ko agad siya ng mahigpit sa braso. Mahigpit na mahigpit yung hindi siya makakawala pa.

"Cherry, maawa ka. Huwag! Nasasaktan na ako!"

Dahil doon ay mas hinigpitan ko pa. Maging ang mahahaba kong kuko ay bumabaon na sa kanyang balat. Nangigigil ako. Sobra. Sobra sobra ang galit ko sa kanya. Napakamakasarili niyang tao. Hindi niya alam kung saan siya dapat lumugar. Nagagalit ako dahil sa lakas ng loob niya. Sa kapag ng mukha niya at kung bakit nasa harapan ko siya ngayon.

TUTOR IN BED 2 ✔Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon