"Ang kapal rin ng mukha mo noh?"
Nagpanting ang tenga ko sa sinabi niya dahil kung sino man ang mas makapal ang mukha dito ay siya yun. Sino ba siya sa inaakala niya? Siya nga ang walang karapatan dito sa pamamahay na ito.
"Makapal? Ako? Ha! Gusto mong ibalik ko sayo yang sinabi mo? Tsk. Hindi lang make-up mo ang makapal kundi mukha mo. May kalyo pa nga eh!"
"Wag kang magmalinis!" singhal niya sa akin.
Ayos ah. Sino bang nagsabing nagmamalinis ako?
"Hindi ako nagmamalinis Ruby. Nagsasabi lang naman ako ng katotohanan."
"Hindi ka na sana bumalik!"
Pinagbuhol ko ang mga braso ko dahil sa sinabi niya. Ang kapal talaga ng pagmumukha ng babaeng 'to. Sagad na.
"Bakit? Para ikaw ang pumalit sa pwesto ko? Para mapasayo si Chace? Uso mangarap Ruby! Kaso sana alam mo kung saan ang lugar mo."
"Alam ko kung saan ang lugar ko. Kung hindi ka lang sana bumalik pa, Edi sana masaya na kami ni Chace ngayon." Nakabusangot niyang sabi.
"Masaya? Kayo? Si Chace? Huwag kang mangarap Ruby dahil alam nating pareho na sa akin lang sasaya si Chace. Sa AKIN LANG." pinagdiinan ko ang huli kong salita para naman maliwanagan siya.
"Hindi ako papayag na sumaya ang tulad mo!" sigaw niya
"So, anong gagawin mo? Aakitin mo si Chace? Oh come on, Ruby. Ilang beses mo na bang nagawa yun? At sa pagkadesperado mo, gusto mo pang ipaako ang anak mo sa lalaking hindi mo na kilala dahil sa dami ng kumama sayo!"
"Anong sabi mo!"
"Sabi ko? Desperada ka!"
*pakk!*
Napaharap ako sa kanan ko dahil sa lakas ng sampal niya sa akin. Inaamin ko namang masakit pero mas mabuting huwag ko nalang siyang patulan pa baka kung saan pa mapunta ang away naming ito.
"Sige lang. Alam ko namang nasapol kita kasi nag-react ka agad." sabi ko nalang saka nagdiretso ng lakad ng mapansin kong pinapanood na pala kami ng mga kasambahay.
Nasaksihan nila ang pag-aaway namin ni Ruby. Kita ko sa kanila ang pag-aalala at gustong mamagitan sa aming pagtatalo pero natatakot lang sila.
"Hindi pa tayo tapos kaya huwag na huwag mo akong tatalikuran!" sigaw uli ni Ruby saka hila sa akin pabalik na pakiramdam ko ay nahilo ako bigla.
"Tumigil ka na Ruby. Wala na akong oras makipagtalo sayo." sagot ko saka binawi ang braso ko sa pagkakahawak niya.
Kasalukuyan na akong umaakyat ng hagdan ng hilain uli niya ako at sa pagkabigla ko ay dumulas ang paa ko pababa ng hagdan. Masyadong mabilis ang pangyayari ng mapagtanto ko na nahulog na ako sa hagdan.
Dahil rin doon ay nagsitakbuhan na ang mga kasambahay para lapitan ako at alalayan patayo.
"Sinabi ng tumigil ka na Ruby! Ano pa bang gusto mo?! Ha?!" sigaw ko sa kanya pero nagtataka ako dahil nanatili lang siya sa kinatatayuan niya at parang natigilan.
"Cherry, Ayos ka lang ba?" tanong ni Manang Yoli sa akin ng may pag aalala sa mukha.
"Ayos lang naman ako." sagot ko
"Sigurado ka ba Iha? Kasi--"
Hindi ko na narinig pa ang sinabi ni Manang Yoli sapagkat nandilin na agad ang aking mga paningin.
★ CHACE
Walang pagdadalawang isip akong umalis ng Board Meeting dahil sa natanggap kong balita mula sa isa sa mga kasamabahay namin. Dali dali akong sumakay ng kotse papunta sa nasabing Ospital.
BINABASA MO ANG
TUTOR IN BED 2 ✔
RomancePlease read the Book 1 first :) WARNING: Not suitable for young readers and sensible minds. It contains graphic sex scenes, adult languages, and situation intended for mature readers only. *Cover photo not mine. Credit to the owner.