TIB2 / 25 - Mood Swings

7.1K 121 10
                                    

ROSE POV
Ang saya ko na sana dahil tinanggap na ako ng buong buo ni Chace kung hindi lang sumulpot 'tong Ruby na 'to. Akala mo pa kung sinong makatanong. Pakiramdam yata siya ang girlfriend at para bang gumagawa kami ng kasalanan ni Chace sa kanya.

Pwes, hindi ko siya aatrasan!

"Huwag mo akong maduro durong babae ka!" singhal ko

Hindi ako papayag na magpaapi sa kanya. Hindi niya yata alam na mas maldita ako nung Ruby pa ako.

"Tigilan mo na si Chace! Tahimik na kaming wala ka! Magkakaanak na nga kami eh!" sigaw niya

"Ruby! Ano bang kabaliwan yang mga sinasabi mo?!" galit na tanong ni Chace sa kanya pero hindi ito natinag bagkus kumapit pa sa braao ni Chace.

Aba't! Talagang sinusubukan talaga ako ng babaeng ito ah!

Hinila ko si Chace mula sa kanya.

"Pwede ba! Huwag kang asyumera! Kahit konting respeto man lang sa sarili mo!" angil ko

"Okay na sana eh. Makakalimutan ka na niya!" sigaw naman niya

"At sino namang nagsabi sayo niyan? Siya?" turo ko kay Chace na na tinatago ko likod ko.

"Ruby. Bumalik ka na dion kung ayaw mong ako mismo ang kumaladkad sayo paalis rito."

Maluha luha ng nakatingin si Ruby sa kanya at may mukhang nagmamakaawa. "Hinding hindi ako susuko Chace. Hinding hindi. Hindi kita iniwan nung mga araw na wala yang babaeng yan sa tabi mo! Ngayon, sa oras na iwan ka uli ng babaeng yan. Nandito lang ako para sayo. Ipagsisiksikan ko parin ang sarili ko, matutunan mo lang akong mahalin!"

Naiwan niya kaming nakatulala ni Chace. Masasabi kong mahal na mahal niya si Chace. Ang swerte ko lang dahil ako parin ang mahal niya at hindi ang babaeng yun.

Kita ko namang grabe siyang magmahal pero sana huwga na kay Chace dahil sa akin na siya. Hindi naman ako makakapayag na mawala siya sa akin ng ganun ganun na lang. Ipaglalaban ko rin siya sa kahit na anong hadlang.
         
       
      
N A K A L I P A S ang ilang araw. Palagi na kaming nagkikita at nagsasama sa bahay na pinagawa niya para sa aming dalawa.

Tulad ng dati ay masaya parin kami. Wala na kaming mapagsidhan ng saya kahit na minsan ay sobra na akong nakokonsensya para kay Juno. Pero napagpasyahan ko naring ipagtapat ito sa kanya para matapos ba ang lahat at hindi na ako kuyugin ng konsensya ko.

"Ang init naman." reklamo ko

"Gusto mo, sa loob na tayo?" yaya niya kaya tumango nalang din ako at tumayo na papasok sa loob habang nakaakbay siya sa akin.

"Magluluto ako. Anong gusto mong ulam?" tanong niya kaya naman napangiti ako

"Sinigang?" sabi ko ng maisip ko.

"Right away ma'am!" aniya at nag-umpisa ng gumalaw sa kusina.

Nanonood lang ako ng palabas sa TV habang hinihintay ko siyang matapos sa pagluluto. Panay lipat ko sa iba't ibang istasyon dahil wala akong magustuhang programa kaya pinatay ko nalang.

"Wala ka magustuhang palabas?" tanong niya ng nasa tabi na niya ako at pinapanood siya.

"Wala eh. Boring."

"Gusto mo ng music?" alok niya.

"Sige ba."

"Pihitin mo lang yun." utos niya at turo sa radyo.

Napataas ako ng isang kilay. Bakit niya ba ako inuutusan? Siya naman ang nag-alok diba?

"Ikaw na lang." sabi ko dahilan para mapatingin siya sa akin

TUTOR IN BED 2 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon