This Chapter is Dedicated to CatherineCuenco94 (^_^)v. Salamat sa walang sawang comment at pagsubaybay. Ganun din sa mga Silent Reader. PLEASE VOTE and COMMENT naman po sa bawat Chapter para mas ganahan si Author magsulat *pout*. Sa mga patuloy na nag-aabang sa mga update ko ay maraming maraming salamat po! Kayo talaga ang dahilan kung bakit ko naipagpatuloy 'to. Sana hindi po kayo magsawa.
- Sandflower92
/ / / / / / / / / /
CHACE POV
Kanina ko pa siya pinagmamasdan. Sa katunayan ay nakasunod lang ang kotse ko sa kanya. Nang bigla nalang siyang huminto sa tabi at cheneck ang gulong ng kotse niya.Nakita ko rin gaano siya kainis dahil nga rin may pupuntahan kami kaya nagmamadali siya. Nagdadalawang isip nga ako kung isasakay ko ba siya pero on the second thought ay high way na rito. Walang nagbababa at nagsasakay dun kasi highway naman kasi yun.
At heto. Tahimik lang kami sa kalagitnaan ng byahe. Ano nga bang sasabihin ko? Dapat nga ba akong magsalita at magkwento? Kaya lang kasi, hindi ako komportable lalo na't magkamukha nga sila ni Cherry.
Ang init naman. Pero mainit nga ba? O ako lang yung nag-iinit? I mean, naiinitan?
Sinabihan ko ang Driver ko na lakasan ang aircon at nakatingin lang sa labas ng bintana. Ayoko kasi siyang tignan kahit na gustong gusto ko siyang titigang mabuti kung magkamukhang magkamukha nga ba talaga sila.
Nakarating kami sa venue ng wala man lang pag-uusap. Yari. Mukhang natuyuan pa yata ako ng laway sa tagal na hindi namin pag-uusap.
Pagkahinto ng sasakyan ko ay agad lumabas ang driver ko para pagbuksan siya ng pinto kaya lumabas narin ako sa kabilang pinto. May isip din pala 'tong driver ko kahit na papaano.
Nauna akong pumasok sa Hall at nagmadaling naglakad. Binilisan ko at nilakihan ko ang mga hakbang ko. Ayoko kasing may magkalat ng maling balita lalo na't kilala ka nila. Nakita ko naman siya sa tinted na salamin na mabagal siyang maglakad at kunwari pang may kinakalikot sa bag tapos naglakad narin ng katamtaman.
Lumapit agad ako sa Receptionist para tawagan ang may-ari. Makaraan ang ilang minutong pag-uusap ay lumabas ito. Isa siyang babaeng may edad narin pero sopistikada ang suot at napaghahalataang mahilig ito sa kulay pula na katulad ni Ruby.
"Mr. Guttierez? Nice to meet you. I'm Mrs. Rufo, the Owner of this Rufo Banguet Hall." Aniya saka lahad ng kamay
"Nice to meet you to Mrs. Rufo." Sagot ko saka tanggap ng kamay niya.
Naramdaman ko namang mahigpit ang pagkakahawak niya kaya naman kumawala agad ako. Alam ko kung ano ang ibig sabihin nun lalo na't alam kong biyuda na siya. Hay naku. Wala akong balak pumatol sa mas matanda sa akin at wala rin akong balak na maging 'Sugar Mami' ko siya. Marami akong pera kaya hindi ko kailangan ng kanya.
"Oh. Ahm. By the way, where's Miss Levina? Your Organizer?" Tanong niya
"She's already here." Kaswal kong sagot.
"Oh I see." Saad niya at hindi ba nagsalita.
Naupo muna ako sa sofa ng kanyang office at ganun rin siya habang hinihintay si Miss Levina.
Pero Langya!
10minutes na ang nakalipas pero wala pa siya! Ano bang ginagawa niya? Kanina pa kasi ako tinititigan ng biyudang ito. Hindi na ako magtataka kung sunggaban na ako nito. Panay kasi ang inom sa tsaa niya na animoy uhaw na uhaw.
"So, may girlfriend ka na ba Mr. Guttierez?" Napatingin ako sa kanya dahil sa tanong niya pero kinalma ko ang sarili ko para hindi ako mahalata.
Leche! Ito na nga ba yung sinasabi ko eh. Nag-uumpisa na siya!

BINABASA MO ANG
TUTOR IN BED 2 ✔
Storie d'amorePlease read the Book 1 first :) WARNING: Not suitable for young readers and sensible minds. It contains graphic sex scenes, adult languages, and situation intended for mature readers only. *Cover photo not mine. Credit to the owner.