CHACE POV
"What?! Anong hindi pa tapos?! Binigyan na kita ng deadline diba?!" Sigaw ko sa Manager
Alam ko masakit pero ako rin kasi ang masisisi ng board member kapag hindi ko 'to agad naayos.
"I'm really sorry Sir." Aniya na nakayuko lang
"Get out! Now!"
"Yes Sir. I'm sorry Sir." Sabi niya saka lumabas na.
Tinawagan ko ang aking sekretrya ko na si Ginger para papasukin dito sa loob.
"Ano po yun Sir?"
"Maghanap ka ng Event Organizer para sa anniversary ng Kompanya."
"Sige po. Yun lang po ba?"
"Yeah." Sagot ko saka lumabas na siya
Agad kong isinandal ang sarili sa upuan ko. Kulang lang talaga ako siguro sa tulog kaya nagkakaganito ako.
Ipipikit ko na sana ang mga mata ko ng may kumatok.
"Pasok."
"Sir, may nahanap na po ako. Si Miss Rose Levina po. Gusto niyo po bang makita yung profile niya?"
"Hindi na."
"Sige po. Nag-set po ako ng meeting niyo para bukas ng 2pm."
"Okay."
"Sige po." Aniya na palabas na sana pero napaatras din pagkarating sa pinto.
Iniluwa ng pinto si Kuya Cris.
Ano naman kayang ginagawa niya rito? Hindi man lang magpa-appointment.
Sasawayin ko sana siya ng may mapansin ako sa kanilang dalawa. Bakit ganyan sila magkatitigan? Parang may something sa mga kilos nila.
"Excuse me Sir, pero wala po kayong appointment kay Sir Chace." Masungit na sabi ni Ginger sa kanya dahilan para tumaas ang isa kong kilay.
Bakit parang may pinaghuhugutan?
"Gusto ko nga sanang magpa-appointment ngayon kaya personal akong nagpunta." Sagot ni Kuya Cris habang nakatingin kay Ginger.
"Puno po ang schedule ni Sir Chace ngayon."
Lumapit sa akin si Kuya at naupo sa bakanteng upuan. "Kung sekretarya ang nagi-schedule sa mga meeting ni Boss. Maaari kayang pumayag siya kung magpa-schedule ako ng maka-meeting ka?"
Alam niyo yung parang wala ako ngayon dito? Yung parang silang dalawa lang ang laman ng kwartong ito?
Ano bang nangyayari sa dalawang 'to?
"Ano Bro? Pwede ba kaming mag-meeting?" Tanong ni Kuya na taas baba ang kilay
Napatingin ako kay Ginger na umiiling iling at halata namang ayaw niya saka tingin kay Kuya "Sorry Kuya, pero ayoko."
"Teka-" magsasalita na sana si Kuya at ngingiti ngiti na si Ginger pero hindi pa kasi ako tapos magsalita kaya pinutol ko agad ang sasabihin niya.
"Hindi pwede sa oras ng trabaho. Yayain mo sa breaktime niya or sa day off niya." Sabi ko
"Hmm. Magandang suhestyon yan ah. Sige, yayayain ko siya." Sabi niya na nakatingin kay Ginger at nakangiti samantalang 360degrees ng umikot ang mga mata ni Ginger sa sobrang inis sa kanya.
"Excuse me Sir!" Paalam ni Ginger kaya naman sinundan namin siya ng tingin.
"You're courting her?"
"If i say, yes?"
Napailing iling ako at natawa "I knew it! Haha Goodluck sayo Kuya!"
Nag-apir kaming dalawa at nagtawanan "Goodluck talaga! Ang sungit kaya ng babaeng yun."
BINABASA MO ANG
TUTOR IN BED 2 ✔
RomancePlease read the Book 1 first :) WARNING: Not suitable for young readers and sensible minds. It contains graphic sex scenes, adult languages, and situation intended for mature readers only. *Cover photo not mine. Credit to the owner.
