"Kompleto na lahat ng gamit ah?" sabi ko habang iginagala parin ang mga mata sa bawat sulok ng maliit pero magandang bahay na ito.
"Oo naman." sagot niya
"Kailan mo pa 'to pinagawa?"
"Mula nung nawala ka."
"Matagal na pala."
"May kinukuha naman akong naglilinis dito araw araw."
"Kaya naman pala sobrang linis na."
"Naman. Tara, pahinga muna tayo sa kwarto." yaya niya
Tinaasan ko naman siya ng isang kilay. "Pahinga? Baka pagurin kamo." sabi ko saka natawa kaming dalawa.
"Magpapahinga lang naman talaga tayo pagkatapos nating magpagod." sagot naman niya saka ako hinila papasok ng kwarto.
"Ang pilyo mo na talaga!" sabi ko ng matawa tawa pa
"Sayo lang naman." aniya matapos ipulupot ang dalawang braso sa baywang ko na parang ayaw na akong pakawalan.
"Siguraduhin mo lang."
"Sinisigurado ko." saka niya idinampi ang labi sa aking labi.
Hindi na nakawala pa ang labi ko mula sa kanya. May magnet yata ang labi niya kaya mahirap ng tanggalin pa. Pati mga braso ay yapos na yapos na ako na parang wala ng bukas.
Nasa kalagitnaan na kami ng pang-iinit at wari hindi na mapakali ang aming mga kamay ng biglang may tumunog kaya naman nahinto kami.
"Akin yata yun." sabi ko dahil narin sa ringtone ko.
Nakita ko nalang na napakamot siya sa ulo niya at naupo sa gilid ng kama. Habang naglakad ako palabas ng kwarto papuntang kusina.
Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinignan ang Screen ID.
Si Juno.
Bakit kaya siya napatawag?
"Hello?" sagot ko.
(Where are you? Hindi ka kasi nagsabi kung saan ka pupunta. Nag-aalala lang naman ako.) aniya.
"'Di ka pumasok?" tanong ko
(Ha? It's my rest day today.) sagot niya kaya napakagat ako ng labi at napasulyap sa kalendaryong malapit sakin.
Linggo nga rin pala ang rest day niya. Ang tanga ko lang!
"Naku, sorry. Nakalimutan ko." sabi ko nalang dahil nakalimutan ko naman talaga.
(It's okay now. So, where are you?)
"Ahm. Kausap ko kasi yung bagong Customer ko." sagot ko at sinulyapan si Chace na nakasandal sa pintuan habang nakatingin at nakikinig sa akin.
(Saan banda yan? Para masundo kita.)
"Hindi mo na ako kailangang sunduin. Uuwi rin naman na ako kapag natapos na kaming mag-usap." sagot ko uli saka tingin kay Chace na nakabusangot na at halatang nagseselos.
(Ah. Okay. Uwi ka agad ha? Magluluto ako ng paborito mo.)
"Hindi mo na kailangang magluto."
(I insist. I'll wait for you. Hindi ako kakain hanggat hindi kita kasabay.)
Bigla akong nalungkot sa sinabi niya. Kakayanin kaya ng konsensya ko ang lokohin siya? Ayoko talagang masaktan siya pero kasi.
"Okay. Wait for me. Bye." sabi ko saka pinatay na ang tawag.
Napaupo nalang ako habang minamasahe ang sentido ko dahil sa sakit ng ulo. Paano na ba 'to? Anong dapat kong gawin? Anong dapat na mangyari?
Tinignan ko si Chace na napailing iling nalang at saka pumasok sa loob ng kwarto. Napabuntong hininga nalang ako. Naiipit ako sa kanilang dalawa.
BINABASA MO ANG
TUTOR IN BED 2 ✔
RomancePlease read the Book 1 first :) WARNING: Not suitable for young readers and sensible minds. It contains graphic sex scenes, adult languages, and situation intended for mature readers only. *Cover photo not mine. Credit to the owner.