CHACE POV
Naikuyom ko ang kamao ko dahil sa mga narinig. Hindi. Hindi totoo yun. Hindi ako naniniwala sa mga pinagsasabi ng lalaking yun.
Hindi!
Pero,
Paano nga kung..
Kung totoo?
Paano na ako?
Bakit ba lagi nalang ganito? Nakakasawa na. Hanggang kailan ba kami susubukin ni Cherry?
Nakakapagod na.
Gusto kong maniwala na hindi yun totoo pero hindi ko mapigilang magduda.
Gusto kong maging mahinahon pero nanggagalaiti ako sa galit na baka totoo nga yung sinabi ng lalaking yun.
Parang hindi ko na yata kakayanin pa kung totoo man yun. Bakit ba kami umabot sa ganito? Ang layo na ng narating namin ngunit ang dami namang humahadlang sa amin.
Kailangan kong tawaan si Cherry. Pero paano? Kung palagi nalang niya akong tinatakbuhan, iniiwasan at tinataguan?
*ring ring ring!*
Nagitla ako ng may tumatawag sa cellphone ko habang malalim ang iniisip ko kaya naman agad ko itong dinukot sa bulsa ko at tinignan muna kung sino ang tumatawag dahil sa totoo lang ay wala ako sa mood para makapag-usap sa kahit na sino.
Kaso, sa hindi ko inaasahan, si Cherry ang tumatawag.
Inaamin kong nakaramdam ako sa isiping tumatawag siya at handa na siyang makipagkita't makipag-usap sa kanya. Ngunit, nanamlay rin na baka may posibilidad na sasabihin niya ang katotohanan.
"Hello?" Masigla kong tanong para hindi siya makahalata.
(Chace.)
"Ano yun?"
(Mag-usap tayo ngayon.)
Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Nakaramdam rin ako ng takot na baka makipaghiwalay narin siya sa akin.
Nakakatakot.
(Sa Park na lagi nating pinupuntahan noon.)
Pupunta ba ako?
Huwag na lang kaya?
Baka kailangan niya pa ng oras para mag-isip?
"Pero Che--"
*toot.toot.toot.*
Binabaan niya ako?
Grabeng kabog tuloy ng dibdib ko sa mga sasabihin niya.
ROSE / CHERRY POV
"Bakit pa natin kailangang puntahan si Apple? Tinawagan na sana natin siya." Reklamo ko Kay Xena na nagpupumilit talagang magpunta kami dito.
"Surpresahin nalang natin siya saka nandito naman na tayo." Sagot niya kaya napabuntong hininga nalang ako.
Ano pa nga bang magagawa ko? Nandito naman na talaga kami eh.
Pumasok kami ng walang pasabi. Kilala naman rin kami ng mga kasambahay niya rito kaya hindi na kailangang magpaalam.
Nag-ingat kami sa paglalakad na para ba kaming mga magnanakaw sa mga pinaggagagawa namin. Nagmamasid kami baka sakaling nasa kusina siya pero wala hanggang sala.
Malamang ay nasa kwarto niya pa siya. Nakakahiya naman kung pumasok kami dun baka kasi gumagawa na silang ng bata.
Bata?
Speaking of bata.
Nakausap na kami ni Chace. Kaya kaming nandito ni Xena ay para manghingi ng opinion Kay Apple. Kanina pa kasi kami nagtatalo kung tama ba yung ginawa ko o hindi.
BINABASA MO ANG
TUTOR IN BED 2 ✔
RomansaPlease read the Book 1 first :) WARNING: Not suitable for young readers and sensible minds. It contains graphic sex scenes, adult languages, and situation intended for mature readers only. *Cover photo not mine. Credit to the owner.
