CHACE POV
Sinuot ko ang kulay itim na suit na kabibili ko palang kahapon. Kasalukuyan kong itinatali ang aking neck tie na pula nang may kumatok ng tatlong beses saka narinig ko ng bumukas ang pinto.Sinulyapan ko siya sa salamin. Tahimik ang yapak ng mga sapatos niya ng lumapit sa akin at aakmang aagawin ang neck tie na inaayos ko pero agad ko namang inilayo sa kanya dahil kaya ko naman.
"What brought you here?" Tanong ko na siya namang upo niya sa couch
"Can I come to your party?"
Awtomatikong napataas ang isa kong kilay na tumingin sa kanya. "Why of the sudden?"
"Para may kasama ka?"
"You don't have to. Hindi naman ako magtatagal." Sagot ko
"O-kay. But just in case na baka ma-bore ka at kailangan mo ng kausap ay pwede naman akong sumama."
Hindi ko nalang siya sinagot bagkus kinuha ko nalang ang wallet, cellphone at susi ng kotse ko. Napagpasyahan kong ako nalang aki nalang ang magmamaneho.
Iniwan ko si Ruby sa kwarto ko at nagdiretso na pababa ng hagdan. Nakasalubong ko naman si Kuya na paakyat na rin. Kakauwi niya lang siguro galing gig.
"Paalis ka palang?" Tanong niya na parang bangag na bangag.
"Oo kuya. Si papa?" Sagot ko kasi syempre i-aacknowledge rin nila ang presensya niya bilang dating presidente.
"Ah. Susunod nalang daw siya."
"Ganun ba? Sige, alis na ako."
"Geh." Sagot niya kaya naman bumaba na ako.
Sumakay agad ako ng kotse at humarurot ng takbo. Ewan ko kung bakit parang excited akong magpunta sa party ng kompanya pero kung ano pa man yun ay bahala na.
ROSE POV
Maaga akong dumating sa event para ayusin ang dapat ayusin baka kasi masabotahe ako ng wala sa oras. Malay natin baka may galit pala sa akin pero mabuti naman dahil walang problema.Habang lumilipas ang oras ay dumadami narin ang tao. Puro eleganteng manamit at mapaghahalataan talagang mayayaman sila. May iba rin na kasama ang kanilang mga asawa na grabeng kapal ng make up sa mukha at mga mamahaling mga alahas sa katawan. Pabonggahan sila ng suot para lang makalamang sa paningin ng iba.
Nasa gilid lang ako habang nagmamatyag sa paligid ng mahagip kong papasok na si Chace at kasalukuyang naglalakad sa Red carpet. Lahat ng atensyon ay napunta sa kanya lalo na yung mga babae na wala pang asawa o di kaya'y balo na.
Naisip ko. Kung hindi ba ako nawala sa kanya ay mararating niya pa kaya 'tong narating niya ngayon? Malamang hindi. Kaya mas mabuti talagang nangyari ang mga yun para narin sa kapakanan niya at ng magiging pamilya niya.
Ngayon pa't may Ruby na pala siya.
Panay ang kislap ng mga camera sa kanya dahil nga napakabata niya pa bilang isang presidente ng napakalaki at matagumpay na kompanya. Idagdag pa natin ang itsura niya na makalaglag panty talaga kaya hindi ko rin masisisi kung marami ang magkagusto man sa kanya.
Pinagmamasdan ko lang siya hanggang sa makaupo na siya sa upuan niya kaya naman naupo narin ako sa upuan ko.
Sana walang maging problema. Sana nasa ayos ang lahat. Hays. Kinakabahan ako.
Nasa kalagitnaan na kami ng Programa na kung saan ay magsasalita si Chace.
"First of all, I would like to thank Miss Rose Levina, our event organizer for making this event possible. And celebrate this day with all of you. Let's enjoy this evening and cherish every moment that finally, we've reached 100th anniversary."
![](https://img.wattpad.com/cover/36493213-288-k724540.jpg)
BINABASA MO ANG
TUTOR IN BED 2 ✔
RomancePlease read the Book 1 first :) WARNING: Not suitable for young readers and sensible minds. It contains graphic sex scenes, adult languages, and situation intended for mature readers only. *Cover photo not mine. Credit to the owner.