CHACE POV
I love you too, Babe..
I love you too, Babe..
I love you too, Babe..
I love you too, Babe..
I love you too, Babe..
Gusto kong magmura ng malakas ng marinig ko ang mga salitang yan mula sa kanya para sa ibang lalaki.
At heto, pauulit ulit na sa isip ko ang mga yun. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito pero yung alam mong kamukha siya ni Cherry at maiimagine kong siya nga yun at sinasabihan niya ng ganun ang ibang lalaki na dapat ay ako.
Nanggigigil ako sa galit at selos sa kadahilanang wala akong karapatan dahil wala naman talaga. Hindi ko dapat maramdaman 'to. Hindi dapat dahil unang una ay hindi siya si Cherry at pangalawa, hindi siya ang babaeng mahal na mahal ko. Magkamukha lang sila at yun lang yun!
Maaga akong umuwi sa bahay para narin makapagpahinga at pakalmahin ang isip ko. Wala naman ng problema sa kompanya dahil natapos ko na ang dapat tapusin. Hindi tulad nung baguhan palang ako na inaabot pa ako ng madaling araw para lang tapusin at basahin ang dapat pirmahan.
Sa akin binigay ni Papa ang kompanya. Ayaw kasi ni Kuya Rusty dahil pagtugtog daw ang hilig niya. Siya nga sana ang mamamahala sa kompanya pero mabuti nalang daw ay dumating ako. Sobra ang pasasalamat niya kaya yun, pinapalitan ang apelyido ko at sa akin pinamana ang posisyon bilang presidente.
Nadaanan ko si Ruby na nakaupo sa may pool at nakalubog ang mga paa. Ano ba sa tingin niya ang ginagawa niya?
Awtomatikong napakunot ang noo ko habang palapit sa kanya.
"What do you think you're doing?" Tanong ko sa kanya at halata naman na nagulat siya sa pagsulpot ko.
Agad siyang napatayo at hinarap ako pero nanatili akong nakapamulsa. "Chace? Ang aga mo ngayon ah?" Aniya ng may ngiti sa labi.
"I said, what are you doing?"
"Nagpapahangin lang naman ako. Salamat sa pag-aalala sa akin." Paliwanag niya
What the heck!
"Yang bata ang iniisip ko. Hindi mo ba naisip na baka malamigan yan kapag nakalubog yang mga paa mo dyan?" Sermon ko.
Napamaang siya saglit sa sinabi ko. "Ah. Sorry. I didn't think about it." Sagot niya saka napayuko
"Get inside." Utos ko saka nauna na akong naglakad.
"Ah. Dito na muna ako." Tugon niya kaya napatingin ako uli sa kanya.
"What? Malalamigan ang bata." Paalala ko pero sa ma-ototridad na tono.
"Hindi ko na ilulubog ang mga paa ko." Saad niya
Napaikot nalang ang mga mata ko sa katigasan ng ulo niya kaya naman agad kong hinubad ang coat ko at lumapit sa kanya.
Ipinatong ko sa likod niya ito at umalis na papasok ng bahay. Gustong gusto ko siyang yakapin dahil naiintindihan ko ang pinagdadaanan niya pero kailangan kong ilayo ang sarili ko sa kanya. Baka kasi mas mahulog pa siya sa akin at alam ko namang hindi ko siya kayang saluhin.
Naaawa ako sa kanya dahil kaibigan ko parin siya. Kaibigan lang ang turing ko sa kanya. Pero kailangan niyang tumayo sa sarili niyang paa. Kailangan niyang maging matapang at harapin ang lungkot sa puso niya. Sarili niya lang ngayon ang makakatulong sa kanya.
RUBY POV
Napaiyak nalang ako ng makita siyang papasok na sa bahay. Naiintindihan ko siya. Alam kong nilalayo niya lang ang sarili niya sa akin para na rin sa sariling kapakanan ko.
BINABASA MO ANG
TUTOR IN BED 2 ✔
RomancePlease read the Book 1 first :) WARNING: Not suitable for young readers and sensible minds. It contains graphic sex scenes, adult languages, and situation intended for mature readers only. *Cover photo not mine. Credit to the owner.
