TIB2 / 31 - Accident

7.1K 135 9
                                        

CHERRY POV

Tumakbo agad ako sa pinangyarihan ng aksidente sa pagkahinto palang ng kotse. Si Chace agad ang nasa isip ko. Na baka kung napano na siya at kung anong kalagayan ko. Sarili ko ang sisisihin ko kpag may nangyaring masama sa kanya. Kasalanan ko dahil hindi ako agad nakapagpaliwanag sa kanya.

Napapalibutan ng kumpol kumpol na tao pati na rin ng mga pulis na kasalukuyang iniimbistigahan ang nangyari. May mangilan ngilan ring kumukuha ng litrato at may mga reporter narin nag-uulat tungkol sa aksidente.

"Anong nangyari?!" tanong ko sa kumpol na mga tao at mukha naman silang nagulat sa pagdating ko.

"May nabangga dito Miss." sagot ng isa

"Sino? Nasaan siya? Anong nangyari? Malala ba? Saan siya tinakbo?" sunod sunod kong tanong

"Cherry, kumalma ka na muna." sabi ni Xena na inaalalayan ang magkabila kong balikat

"Pero--"

"Miss, tinakbo agad sa pinakamalapit na Ospital yung naaksidente. Mabuti nalang may tumulong sa kanya." sagot ng isa pa

"Ganun ba? Salamat. sabi ko saka humarap kay Xena "Tara!" tumango lang siya at dali dali kaming sumakay ng kotse papuntang pinakamalapit na Ospital.

Mabuti nalang ay wala masyadong mga sasakyan sa daan at mabilis kaming makakarating sa aming pupuntahan.

Pagkarating ay pumasok kami agad at nagtanong sa help desk.

"Nurse, saan po yung naaksidente sa RedHumm Village?" tanong ko

"Ah. Sa Room 14 po. Kaano--"

Hindi ko na pinatapos ang sasabihin pa ng Nurse dahil hinanap ko agad yung Room 14. Naiwan naman si Xena para magpaliwanag sa Nurse.

Nakita ko sa transparent window na napapalibutan siya ng Doktor at mga Nurse. Bumigat na ng husto ang pakiramdam ko. Naiyak na ako na parang hindi na makahinga. Hindi ko kakayanin kapag nawala siya sa akin ng tuluyan. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Kung paano ako uli tatawa at sasaya kasama ng aming anak.

Walang humpay ang patak ng aking mga mata habang pinagmamasdan kung paano siya gamutin. Pakiramdam ko tuloy ay mahihilo na ako sa mga dugong nakikita ko. Nanlalabo na rin ang mga mata ko dahil sa mga luha na nagmumula sa aking mga mata.

Maya maya'y nataranta na ako ng sinusubukan na siyang i-revive ng Doktor at hindi na magkaugaga ang mga Nurse.

"Anong nangyayari?! Sabihin niyo!!" sigaw ko mula sa labas at katok ng pinto

Nakakuha ako ng pansin sa isa sa mga Nurse kaya naman ay tinakpan niya ng kurtina ang bintana.

"Buksan niyo 'to!" kalabog ko sa mababasaging bintana

Napaupo nalang ako sa sahig yakap yakap ang aking tuhod. Nanlalambot na ako sa kadahilanang baka mawala sa akin si Chace. Paano na ang pamilyang pinapangarap namin? Paano na? Bakit ba lagi nalang ganito? Ang lupit naman ng tadhana.

Tumayo uli ako pero nakaramdam na ako ng pagkahilo kaya biglang nandilim ang paningin ko. Lahat black out na.

*****

Unti unti kong minulat ang aking mga mata. Tulad ng kanina ay nanlalabo parin ito dahil sa mga luha ko lalo nung naalala ko agad si Chace. Naaninagan ko ang mga puting bagay sa paligid ko. Nasa ospital nga pala ako at nawalan ng malay.

Si Chace agad ang una kong naalala.

"Cherry?" tawag ng isang pamilyar na boses. Si Xena

Nilingon ko siya at kita ko sa mukha niya ang pag-aalala.

TUTOR IN BED 2 ✔Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon