TIB2 / 24 - Engagement Day

7.8K 121 7
                                    

CHACE POV
Tatlong araw.

Tatlong araw ko na siyang tinatawagan at hindi sumasagot sa mga tawag at messages.

Tatlong araw ng hindi nagpaparamdam.

Tatlong araw ko na siyang hindi nakikita at nakakausap.

Tatlong araw ko nari  siyang pinapahanap sa mga tauhan ko pero wala.

Cherry?

Ano bang nangyari?

Nasaan ka na?

Ano bang problema?

Bakit ka lumayo?

Saan ka nagtago?

Pero bakit nga ba siya lumayo?

"Kuya? May balita ka na ba kay Ate Rose?" tanong sa akin ni Angel na pumasok ng wala man lang katok sa kwarto ko.

"Wala pa." matamlay kong sagot saka siya nilingon sapagkat nakadapa ako kaya yung mukha ko lang ang nakaharap sa kanya.

"Sa Saturday na ang Engagement ko. Kahit na naayos na niya yun, sana naman pumunta siya kasi magkaibigan na kami diba?" pagmamaktol ng kapatid ko na hindi ko naman maalo kasi maging ako ay nalulungkot rin.

"Wait, Kuya? Ayos ka lang ba? You look pale." puna niya, naupo sa gilid ng kama ko at hinipo ang noo ko. "Omg! Kuya! May lagnat ka."

"I'm okay." sagot ko nalang

"Huwag ka na munang pumasok kuya." pagmamalasakit ng kapatid ko

"Bunso, hindi na pwede. Tatlong araw na akong hindi pumapasok. Kailangan kong pumasok baka matambakan ako ng trabaho." paliwanag ko

"Ganun ba? Pero kawawa ka naman Kuya."

"Ah! Alam ko na. Gusto mo bang samahan kita? Para naman may special bodyguard ka."

"Talaga?" napangiti ako kasi ang lambing talaga ng bunso namin.

"Oo naman. Pati nga rin si Kuya Rusty ay sasama ako mga around 6pm naman."

Kita niyo? Napakasupportive talaga ng kapatid namin. Maswerte ako sa pamilya ko.

"Baka naman mapagod ka na niyan ah?" pag-aalala ko

"Hindi Kuya. Nandoon naan ang mga Butler mo kaya sa kanila nalang ako makikipagkwentuhan kapag bored na ako at kung busy ka na masyado."

"Haha ikaw talaga. Sige na nga, maliligo na muna ako." sabi ko saka pinisil siya sa pisngi at bumangon na papuntang banyo.

"Magbibihis narin ako!" excited na sabi niya saka nagmadaling lumabas ng kwarto ko.
      
       
      
      
E N G A G E M E N T   D A Y

Kailangan ko ng ayusin ang sarili ko para sa engagement nila Andrew at Angel. Baka kasi magtampo silang dalawa kaya naman pinilit ko talaga ang sarili ko kahit na matamlay parin ako para lang sa okasyong ito.

Nanatili lang ako sa gilid habang umiinom ng alak. Para na ngang wala ng epekto. Pakiwari ko'y bumalik uli ako sa pagiging miserable ko.

Mag iisang linggo na rin akong walang balita. Pinasundan ko narin yung Juno baka nagkikita silang dalawa pero wala. Halata sa lalaki na wala siyang kinalaman sa pagkawala ni Cherry.

"Umiinom ka na naman?"

Nilingon ko kung sino ang nagsalita. Si Ruby pala. Nitong nakaraan kasi palagi na lang siyang sumusunod sa akin kaya naiirita na ako.

"Hindi pa nag-uumpisa ang kasiyahan pero nakailang baso ka na." aniya na ikinakunot ng noo ko

"Mind your own damn business!" pasusungit ko

TUTOR IN BED 2 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon