Cherry POV
Ilang minuto na akong nakatitig sa cellphone ko. Pilit na iniisip kung anong mga nangyayari.
"Cring-cring! Tara na! Luto na yung mga isda! Hahaha! Ang saya pala dito. Tara, bilis! Ipaghahain kita!"
Hindi ako maaaring magkamali. Boses yun ng mahal ko. Ngunit, sino yung babaeng nakausap ko? Sino siya at bakit magkasama sila? Anong nangyayari?
Napasabunot nalang ako sa buhok ko.
Masyado akong nagulat. Dahil ni minsan sa panaginip ko ay hindi ko ito nakita pero bakit ngayon?
Ito ba? Ito ba ang kabayaran ng kapabayaan ko? Ang makuha sa aking yung lalaking pinakamamahal ko?
Hindi.
Hindi ako makakapayag.
Ngayon pa?
Ngayon pa kung kailan malapit na kaming ikasal na dalawa? Ngayon pa magkakaroon ng hadlang kung kailan naranasan na namin lahat ng klase ng hirap at pasanin.
Hindi.
Hindi ko isusuko si Chace sa kahit na sinong babae pa yan. Hindi ako susuko tulad ng hindi niya pagsuko sa akin noon.
Lakad takbo ang ginawa ko makalabas lang ako ng bahay at mabilis na nagmaneho ng sasakyan papunta sa kanyang kompanya hanggang sa makita ko si Ginger na abala sa kanyang mesa.
"Gin, nasaan si Chace?" Hinihingal kong tanong na ikinabigla niya.
"Naku, kayo po pala. Ah, hindi niya po ba nabanggit sa inyo na nasa isang Orphanage siya ngayon?"
"Orphanage?" Nakunot naman ang noo ko.
Kailan pa nagka-interes si Chace dun?
"Bakit siya nandun?"
"Nung nakaraang araw po kasi ay may babaeng nagpunta dito at nagmakaawang maging sponsor si Mr Chace sa orphanage na yun. Ayaw nga ni Mr Chace nung una pero napapayag niya rin."
"Babae?"
"Opo. Ang sabi sa akin ni Mr Chace nung makarating sila dun ay magkakilala daw po pala sila noon pa. Magkakababata daw sila ni Cring-cring."
"Cring-cring?"
"Opo. Palayaw po nung babae na si Maricris."
"Cring-cring! Tara na! Luto na yung mga isda! Hahaha! Ang saya pala dito. Tara, bilis! Ipaghahain kita!"
Tama. Siya nga yung tinawag ni Chace at yung babaeng nakausap ko.
"Maaari ko bang makuha ang address ng lugar na yun?"
/ / /
Nagpa-book agad ako ng flight ko ora mismo. Nung una ay nagpakahirap pa akong kunin kay Ginger ang address dahil baka daw pagalitan siya ni Chace pero ng ikwenento ko ang nangyari ay nainimtindihan na niya ako. Maging siya na babae ay ayaw maagawan ng lalaking mahal niya kaya sinuportahan nalang niya ako.Isang oras din ang byahe. Sa totoo lang ay nakaramdam narin ako ng pangangalam ng sikmura. Panay tawag narin sa akin nila mama at papa pero mas pinili ko nalang i-off ang cellphone ko. Alam kong nag-aalala na sila pero kailangan kong ipaglaban ang kinabukasan ko.
Nakarating ako sa isang malaki ngunit lumang gusali malapit sa tabing dagat. Bahagya akong napangiti dahil sa ganda ng tanawin at sa amoy ng hangin na tumatama sa aking mukha.
Naglakad lakad ako hanggang sa makarating ako sa harap ng gusali. Ito na nga yung Orphanage na yun.
"Hello po. Ano pong kailangan nila?"
BINABASA MO ANG
TUTOR IN BED 2 ✔
RomancePlease read the Book 1 first :) WARNING: Not suitable for young readers and sensible minds. It contains graphic sex scenes, adult languages, and situation intended for mature readers only. *Cover photo not mine. Credit to the owner.