ROSE / CHERRY POV
Nakakainis!Bakit ba ganun siya?
Mahirap ba akong intindihin? Hindi naman ah. Saka hindi naman kami nagkakasagutan dati hindi tulad nung kanina.
Pagkauwi ko ng bahay ay padabog kong isinara ang pinto at mabibigat ang mga paa ko kung ako'y maglakad dahil sa sobrang pagkainis.
"Babe? May problema ba?" tanong ni Juno na basta nalang lumitaw sa kung saan saan na ikinagulat ko at napansin naman niya. "Sorry. Mukhang nagulat kita."
"It's okay." sagot ko sa kanya at nilagpasan siya
"Gusto mo bang ipaghanda kita ng makakain?"
Iwinagayway ko lang ang kamay ko at umiiling iling ng hindi man lang siya hinaharap. Masyado na akong pagod para sa araw na ito.
Nagdiretso ako sa kwarto ko at nahiga agad sa kama ko at hindi ko na pala namalayang lumuluha na ako. Bakit napaka-emosyunal ko naman yata ngayon? Parang yun lang tapos nagkakaganito na ako.
Pero hindi ko parin mapigilan eh.
Tatayo na sana ako ng bigla akong mahilo kaya napaupo rin agad ako. Napahawak ako sa sentido ko dahil nandidilim ang paningin ko.
"May problem ba?" nagitla ako sa biglang pagpasok ni Juno na may dalang tray ng pagkain at dali daling lumapit sa akin.
Umiling iling ako para mapalis ang pandidilim ng paningin ko saka pinilit muling tumayo pero hindi ko rin naman pala kinaya dahil bigla nalang akong bumagsak at tuluyan ng nandilim ang paligid.
JUNO POV
"Rose! Rose! Rose!" inuga uga ko na siya para lang magising siya pero wala parin.Daglian ko siyang binuhat at isinakay sa kotse para dalhin sa Ospital pero bago yun ay kinapa ko muna ang pulso niya. Natigilan ako saglit dahil hindi ko maiintindihan. Oo doktor ako pero iba ang field na kinalalagyan ko.
Nagmadali akong nagpatakbo ng sasakyan. Natatakot kasi ako na baka bumalik ang cancer niya pero huwag naman sana. Hindi ko na kakayanin yun. Ayokong mawala siya ng tuluyan sa akin. Sa amin.
Sinalubong agad ako ng mga staff ng Ospital para kunin si Rose saka itinakbo na sa loob. Naghintay lang ako sa labas hanggang sa matapos na siyang tignan ng doktor.
"Pwede na po kayong pumasok." sabi ng doktor sa akin pagkalabas nito.
Sumunod ako sa kanya at gising narin si Rose. "How are you feeling?" tanong ko sa kanya saka haplos sa buhok.
"Anong nangyari dok?" tanong ko.
Ngumiti muna ang doktor bago sumagot. "Wala namang problema. Okay ang lahat. Normal lang talaga sa kanya ang mahilo dahil sa dinadala niya."
"Ho?" tanong ko dahil hindi ko alam kung mali lang ba ako ng dinig
"Hindi niyo po ba alam? She's 1month pregnant." sagot nito kaya naman natigilan ako.
"I'm.. what?" hindi makapaniwalang tanong ni Rose.
"Isang buwan ka ng buntis iha. Ah. Sige, maiwan ko na kayo." paalam ng doktor.
"Salamat." sagot ko
Naupo na muna ako para mag-isip. Ibig sabihin may nangyari nga sa amin noon at nagbunga agad? Wow. Magiging ama na ako?
"Magiging Daddy na ako?" hindi ko makapaniwalang tanong kay Rose na hindi rin makapaniwala.
Lumapit ako sa kanya at niyakap siya agad. Ang saya saya ko. Magiging isang pamilya na kami. Maging pamilya na kami tulad ng pinapangarap ko noon pa.
BINABASA MO ANG
TUTOR IN BED 2 ✔
RomancePlease read the Book 1 first :) WARNING: Not suitable for young readers and sensible minds. It contains graphic sex scenes, adult languages, and situation intended for mature readers only. *Cover photo not mine. Credit to the owner.