Wala siya.
Saan nagpunta ang mahal ko?
Paggising sa umaga.
Pagkapa sa kama.
Wala siya.
Napaupo lang ako sa gilid ng kama habang nag-iisip ng mabuti.
Imposible namang panaginip lang ang lahat. Imposibleng panaginip lang yung nangyari sa amin kagabi dahil alam kong totoo yun at ramdam na ramdam ko kahit pa ngayon.
"Aba. Tanghaling tapat na pero kababangon mo lang? Buhay reyna lang?" Umagang bungad ni Apple.
Ano na naman kayang kailangan ng dalawang ito at kung makapunta rito ay kay aga aga.
"Magbihis ka na uy. Kita namin singit mo. Mahiya ka. Mas maputi ako sayo." Sabat naman ni Xena.
"Anong sabi mo?" Tanong naman ni Apple sa kanya na tila kokontra pa sa kagandahan niya.
"Ang alin? Na maganda ako?" Sagot pa ng isa.
"Ano? Ma--"
"Hintayin ko nalang kayo sa baba." Sabi agad ni Xena bago pa magsalita si Apple sabay sarado ng pinto.
"Aba! Ganito nalang siya palagi ah. Sumusobra na siya. Hindi pwedeng palaging ganito. Hindi pwedeng hayaan siyang isipin niya na siya ang mas maganda ano?"
Natawa nalang ako sa mahaba niyang lintana. Kahit kailan talaga 'tong dalawang ito.
"Tawa tawa ka diyan. Hala. Magbihis ka na. Bilisan mo ah? Huwag mong pinaghihintay ang dyosang ito." Aniya saka lumabas narin ng kwarto.
Ako na.
Oo. Ako na.
Ako na ang may mga baliw na mga kaibigan.
Tulad nga ng sabi nila ay nagdiretso na ako ng banyo para makaligo at alam ko namang ayaw na ayaw nilang pinaghihintay ang ganda nila. Kung mayroon man.
Ngunit saan naman kaya nagpunta si Chace? Hindi man lang nagpaalam sa akin. Hindi man lang nag-iwan ng note o text o tawagan ako sa oras na mga ganitong gising na ako.
Pagkatapos kong maligo ay nagbihis nalang ako ng kaswal na damit. Fitted Tshirt at makapal na leggings lang. Wala ng ayos ayos o kung anong make up pa saka tali ng buhok. Pabango lang okay na.
"Nandito na pala ang mahal na reyna." Sabi ni Apple. Kahit kailan talaga baliw 'to.
"Nakaganyan ka lang?" Tanong naman sakin ni Xena na nakataas ang isang kilay.
"Alam ko. Mas umangat ang ganda ko kaysa sa inyo." Tugon saka ngumisi sa kanya na siya namang hindi maipintang mukha niya.
Nagkatinginan nalang silang dalawa at napailining nalang bigla saka narin ako natawa sa mga pagmumukha nila.
"Tumawa ka pa hanggat kaya mo." Seryosong sabi ni Xena at binigyan rin ako ng seryosong tingin ni Apple kaya naman natigilan na ako.
Dahil sa mga itsura nila, umusbong ang kaba sa aking dibdib. Minsan lang kasi sila maging seryoso at umasta ng ganito. Nakakabahala silang dalawa.
"Ano bang problema?" Tanong ko ng makalapit ako sa kanilang dalawa.
"Wala." Sagot ni Xena ng hindi nakatingin sa akin kundi sa mga kuko niya.
"Ano nga ba talagang problema?" Tanong ko ulit kay Apple na abalang nagta-type sa cellphone niya at hindi ako sinasagot.
"Maloloka ako sa inyo. Wala ba akong kasama rito?" Sabi ko nalang saka naupo sa couch.
"Tara sa garden." Yaya ni Apple.
Kita mo 'to.
Magyayaya nalang basta basta. Hindi man lang magtatanong kung papayag ako o hindi. Si Xena naman ay nakasunod lang at kinakalikot parin ang mga kuko.
BINABASA MO ANG
TUTOR IN BED 2 ✔
RomansaPlease read the Book 1 first :) WARNING: Not suitable for young readers and sensible minds. It contains graphic sex scenes, adult languages, and situation intended for mature readers only. *Cover photo not mine. Credit to the owner.
