Chace POV
"What happened? Why did she passed out?" Tanong ko sa isa sa mga namamahala ng bahay ampunan."Wala rin kaming alam. Ngayon lang nangyari sa kanya 'to." Nag-aalalang tugon niya.
Pareho kaming hindi mapakali sa labas habang tinitignan pa ng doktor si Cring-cring. Ano bang nangyayari?
Makalipas lamang ang ilang minuto ay lumabas na ang doktor kaya dali dali akong lumapit sa kanya.
"How is she?" Tanong ko.
"Sa ngayon, maayos na ang kalagayan niya. Ngunit, kailangan lang mag-ingat ng mabuti. Yun lang. Excuse me." Saad ng doktor saka iniwan na kaming tulala at unti unting pumapasok sa utak ko ang mga sinabi niya ng paulit ulit.
Napalingon ako sa may likuran ko na nagsisiiyakan na ang kanyang mga kaibigan. Wala man akong magawa kundi titigan lang sila.
"Ang tigas naman kasi ng ulo niya. Sinabi ng huwag na siyang bumyahe pero nagpumilit parin siya." Sabi nung isa.
"Ikaw! Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng 'to! Ikaw!" Sigaw naman ng isa habang nakaduro sa akin ang kanyang hintuturo.
Samantalang nakatayo lang ako at walang ideya sa mga pinagsasabi niya. Wala akong alam sa mga binibintang niya dahil ako man ay nagulat rin. Wala akong alam na may ganito siyang sakit.
"Ana! Huwag mo siyang sisihin. Wala siyang alam at kasalanan sa nangyari. Si Maricris ang may gusto nito dahil siya ang tanging kaligayan ng kaibigan natin. Intindihin mo na lang." Sabi ng isa pa nilang kaibigan.
Nananatili akong nakatayo naman at walang maintindihan sa mga pinagsasabi nila. O kung ano man ang kasalanan ko na na sinasabi niya.
*Ring! Ring! Ring!*
Agad kong kinapa ang bulsa ko para sagutin ang kanina ko pang tumutunog na cellphone. Tinignan ko muna ang Caller ID. Bahagyang napataas ang mga kilay ko dahil himalang nakaalala si Cherry sa akin ngayon.
Sasagutin ko ba?
Nakakatampo kasi siya.
Kaso baka magalit na naman siya sa akin.
Pero sana isipin niya rin yung mararadamdaman ko sa mga pinaggagagawa niya.
Kaso mahal na mahal ko siya. Hindi ko siya kayang tiisin.
Pero bakit natitiis niya ako?
Bahala na nga.
*Tooooooooot...*
Hala! Empty battery na.
Patay ako nito.
Napalinga linga ako para hanapin ang nurse station at magbabakasakaling makikicharge nalang ngunit biglang bukas ng pinto ng kwartong kinaroroonan ni Cring-cring kaya naman ay hindi ako nagdalawang isip pang lumapit agad kay Cring-Cring na kalalabas lang.
"How are you? How are you feeling? How's your head?" Pangunguna kong check up sa ulo, balikat, braso, kamay at noo niya na tila ba humahanap ng kung anong galos.
Bahagya naman siyang natahimik at hindi alam kung anong magiging reaksyon. Bigla rin naman akong nahiya sa ginawa ko. Yung mga kaibigan niya, ayon, nakatanga lang na nakatingin sa akin.
"Huwag na kayong mag-alala. Nandito na ako sa harapan niyo." Aniya ng nakangiti.
Maricris POV
"Anong balak mo babae?" Tanong sa akin ni Ana."Anong balak ang pinagsasabi mo?" Tanong ko naman pabalik sa kanya.
Nakaupo kami sa isang cottage malapit sa dagat samantalang nag-iihaw naman ng mga isda si Chace kasama ang mga bata. Kitang kita ko ang liwalas ng kanyang mukha. Kitang kita ko yung pagkakaiba nung magkita kami sa kompanya niya at ngayon.
BINABASA MO ANG
TUTOR IN BED 2 ✔
Roman d'amourPlease read the Book 1 first :) WARNING: Not suitable for young readers and sensible minds. It contains graphic sex scenes, adult languages, and situation intended for mature readers only. *Cover photo not mine. Credit to the owner.