Napagpasyahan naming bumaba na muna ni Apple sa kusina. Pinilit pilit niya kasi akong kumain kahit na wala akong gana. Hinila hila niya ako at kamuntik na akong malaglag sa hagdan.
"Ano? Hindi ka parin tatahan dyan?" iritado niyang tanong.
"Bakit ba? Palibhasa wala ka sa lugar ko eh." sagot ko naman saka subo ng kaunting kanin.
"Malay mo nga kasi may pinuntahan lang. At isa pa, tignan mo yang itsura mo. Ayaw mo pang magbihis. Pati yang make up mo nagkalat na. Ang pangit pangit mo na tuloy. Kung ako si Chace, maghahanap talaga ako ng Fresh." lintana niya kaya naman agad akong napatingin sa sarili ko.
Nilingon ko naman ang salamin na malapit sa akin at hindi siya nagkakamali. Para na akong baliw sa gulo ng buhok ko at nagkalat na maskara dahil sa pag-iyak ko. Tanda ko rin na nakatulugan ko ng hindi naligo kagabi kakahintay lang kay Chace.
"Oh? Saan ka naman pupunta?"
"Maliligo lang." sagot ko
"Teka nga, ubusin mo muna 'tong pagkain mo."
"Babalikan ko nalang yan." sabi ko saka nagdiretso na paakyat ng kwarto.
Nagpaiwan naman si Apple sa kusina na halatang siya naman talaga ang gutom kaya niyaya niya akong kumain. Kahit kailan talaga mukha siyang pagkain. Hays.
Ngunit tama nga rin naman siya. Kailangan kong ayusin ang sarili ko para hindi ako ipagpalit ni Chace ng tuluyan lalo na sa fresh. Tatlong buwan narin ang nakakaraan nung mawala ang baby namin. Kailangan kong bumawi sa lahat ng pag-iinarte at pagdadrama ko sa kanya.
Hahanapin kita Chace.
Hahanapin kita dahil mahal kita. Mahal na mahal kita at hindi ko kakayaning mapunta ka lang sa iba. Pagkatapos ng lahat ng napagdaanan natin. Ng mga sakripisyo ko para sayo ay akala mo bang hahayaan lang kitang mawala? No way.
Pagkabukas ko ng pinto ng kwarto ay isa isa ko ng hinuhubad ang suot kong damit at itinatapon na lamang ito sa kama at pumasok na ng banyo. Nagtagal ako ng isang oras sa banyo at pabalik balik rin si Apple sa kakakatok sa akin na kung baka ano raw ba ang ginagawa ko bakit ang tagal tagal ko.
"Grabeng Ligo yan ah."
"Tapos na nga. Hala, sige na. Labas. Magbibihis lang ako."
"Sige. Hintayin kita sa Garden." aniya saka lumabas na nga ng kwarto.
Teka nga? Ano ulit? Garden? Ano na namang gagawin namin sa Garden? Yung babaeng yun talaga, umiral ba naman ang sapak sa utak nun.
Aking tinanggal ang nakapulupot ba tuwalya sa aking katawan ng makarating ako sa closet pero agad ring natigilan ng may mapansin akong nakadikit rito. Isang sticky note. Kinuha ko ito at binasa.
"Cherry, mawawala ako ng isang linggo. Hindi kita matawagan dahil naiwan mo ang phone mo maging sina Xena at Apple ay sinadya yatang hindi dalhin ang kanila. May business trip ako with Mr. Fernando sa US. Biglaan kasi saka babalik agad ako kapag natapos na ang negotiation. Please take care of yourself. You are my life, you know that. Right? I love you so much!

BINABASA MO ANG
TUTOR IN BED 2 ✔
RomancePlease read the Book 1 first :) WARNING: Not suitable for young readers and sensible minds. It contains graphic sex scenes, adult languages, and situation intended for mature readers only. *Cover photo not mine. Credit to the owner.