"Aray!" Sigaw ko ng makaramdam ako ng palo sa aking braso.
"Gumising ka na nga! Ang taas na ng araw oh. Hindi ka na nakapagluto. Anong oras na?" Talak niya sa akin.
Napakamot ako ng ulo at inayos ang gulo gulo kong buhok habang nakatingin sa kanya.
"Aba. Hindi dapat laging ganito Cherry." Dagdag niya pa.
Si Charry. Ang kakambal ko. Napagdesisyunan na muna naming sa kanila ako tumira. Kina mommy at daddy kasama siya. Yung babawiin namin yung panahong nawala sa aming apat. Sa totoo lang, napakasaya ko ngayon. Yung buong buo na ako at wala ng hinihiling pa.
"Oo na po." Sagot ko dahil mas nauna siyang inere ni mommy kaysa sa akin.
"Hala sige, tayo na! Paano nalang kung nag-asawa ka na? Anong ipapakain mo? Yang ano mo?"
"Ay, grabe!" Sambit ko, ang bastos ng bunganga eh.
"Naku, dapat marunong ka ring magluto baka maunahan ka pa ng mga impaktita dyan sa tabi tabi."
"Subukan lang nila, kung hindi kakalbuhin ko sila mula ulo hanggang paa!"
"Sus! Mag-ayos ka na at hihintayin kita sa kusina. Huwag kang magtagal dapat laging mabilis kumilos." Aniya sabay bukas at labas ng kwarto ko.
Sinunod ko naman ang utos niya. Naligo ako ng mabilis at nagsuot nalang ng komportable para hindi ako mahirapan sa paglilinis saka pababa na ng kusina.
Habang nasa kalagitnaan ako ng hagdan ay pinagmamasdan ko ang buong bahay. Malaki ang bahay namin. Napakaraming larawan namin lalo ng mga bata kami sa kabila at sa kabila naman ay ang kasalukuyan. May malaki rin kaming family picture na kaming apat lang. Ang saya. Masaya. Masayang masaya ako ngayon. Lahat ng paghihirap ko ay natumbasan ng ganito kasayang pamilya. Wala na yata akong mahihiling pa kundi ang magkaroon narin ng isang buong pamilya. Kami ni Chace at ang magiging anak namin kung sakaling mabuntis uli ako.
"Oh, nandyan ka na pala. Tara na sa kusina." Yaya ni Charry na may ngiti sa labi.
"Nasaan sina mommy at daddy?" Tanong ko
"Si daddy nasa kompanya kasama si Dave, si mommy naman kasama si Chace."
"Ano? Bakit sila magkasama??"
"Ano namang problema dun?"
"Wala naman, kaso baka.."
"Wala ka namang dapat problemahin. Gustong gusto ni mommy si Chace para sayo. Siya nga excited na magpakasal kayo eh." Paliwanag ni Charry
"Kungsabagay."
Wala naman akong dapat alalahanin.
Chace's POV
"Siya nga pala ang mamanugangin ko. Si Chace." Pakilala uli ni Tita sa pinakahuling dumating na amiga niya.Hindi naman sa kinahihiya ko sila pero ako lang kasi ang lalaki dito at puro sila magka-amiga. Pakiramdam ko tuloy para akong batang lalaki na binitbit ng nanay dahil walang tao sa bahay. O di kayay parang batang bagong tuli dahil panay gulo nila sa buhok ko na parang totoy.
Nagkataon kasi na may business trip si Tito kasama si Dave kaya ako ang pinakiusapan niya na samahan si Tita. Kaya heto ako ngayon, taimtim na pinagsisilbihan sila. Oo, pinagaabot ko sila ng makakain at maiinom nila. Wala rin naman akong magawa saka baka tulog pa si Cherry sa mga oras na 'to.
*bzzt bzzt*
Halos mapatalon ako sa gulat ng magvibrate ang phone ko.
Bahagya namang napataas ang isa kong kilay ng makita kung sino ito.
BINABASA MO ANG
TUTOR IN BED 2 ✔
RomancePlease read the Book 1 first :) WARNING: Not suitable for young readers and sensible minds. It contains graphic sex scenes, adult languages, and situation intended for mature readers only. *Cover photo not mine. Credit to the owner.