6pm
Napag-usapan namin ni Chace na uuwi na ako ng ganung oras para masamahan kong makapaghapunan si Juno.
Labag man sa kalooban namin pareho pero wala na kaming magagawa dahil usapan na namin ang tungkol dun. Na hindi niya ako mamadaliing makipaghiwalay kay Juno kasi hindi naman talaga madaling gawin yun.
"Rose.." sambit ni Juno sa pangalang hindi naman talaga sa akin, na humalik rin aking pisngi.
Nginitian ko muna siya ng tipid bago ako sumagot. "Sorry for coming this late."
"It's okay. Atleast, nandito ka na." aniya, ng may ngiti parin sa labi
Sinagot ko nalang uli siya ng ngiti.
"Wait. Masama ba pakiramdam mo?" tanong niya kaya napatingin ako sa kanya.
"Ha? Hindi naman. Pagod lang. Ang dami kasi naming diniscuss about sa engagement at wedding."
"Ganun ba? Don't worry, sigurado akong hindi ka mai-stress sa ipapakita ko sayo." aniya saka iginiya ako sa may veranda.
"Ano ba yun?" pagtataka ko
"Close your eyes." utos niya kaya naman agad ko naring sinunod dahil hindi naman ako excited.
Ilang hakbang rin ang aking tinahak habang inaaalalayan niya ako. Naramdaman ang ihip ng hangin ng buksan niya ang pinto.
Dahan dahan niya akong pinaupo.
Hindi kaya? Isa itong candlelite dinner na pinaghandaan niya pa?
"You may open your eyes now." sabi niya kaya naman iminulat ko narin ang mga mata ko.
Tama nga ang hinala ko. Candlelite dinner para sa aming dalawa.
"Why? You don't like it?" tanong niya.
Ngumiti nalang uli ako ng tipid. "Ah. It's not like that but, what's the occasaion?" pagtataka ko.
Hindi ko naman birthday ngayon. Hindi niya rin birthday. Wala may birthday sa aming dalawa.
Bahagya siyang nagulat sa tanong ko pero ngumiti parin. "Hindi mo ba naaalala?"
"Naaalala ang alin?"
Napasandal siya sa upuan sa tanong na ikinalito ko narin. Ano ba talagang meron?
"It's our 7th Monthsary today."
Napatakip nalang ako ng bibig sa sinabi niya. Monthsary namin ngayon? How come na makakalimutan ko yun? Pero dahil nga si Chace ang kasama ko buong araw ay hindi ko na nagawang isipin at alalahanin pa ang ilang mga bagay.
"I'm sorry, Juno. Sorry." paghingi ko ng tawad saka lumapit sakanya para yakapin siya.
Marahan niya tinapik tapik ang braso ko, "It's okay. I know that you're so busy now and I understand."
Nakakakonsensya na talaga ako sa mga pangyayaring ganito.
"Sorry talaga." pang-uulit ko saka bumalik sa upuan ko.
"I'm okay. Nakakatampo lang kasi noon nag-uunahan pa tayo na surpresahin ang isa't isa." aniya na may malungkot na tono
Napahinga nalang ako ng malalim. Tama si Chace. Kailangan ko na nga talagang tapusin ang lahat sa amin ni Juno dahil habang patagal ng patagal kong ililihim ay mas masasaktan pa siya ng todo.
Pero paano ko uumpisahan?
"So, kumain na tayo?" yaya niya kaya tumango tango nalang ako.
Tahimik lang kaming kumain. Marahil ay nagtataka nari siya at naninibago sa mga kilos at galaw ko pati narin sa mga reaksyon ko pero hindi ko naman pwedeng ipakita na inlove na inlove ako sa kanya dahil hindi naman talaga.
BINABASA MO ANG
TUTOR IN BED 2 ✔
RomancePlease read the Book 1 first :) WARNING: Not suitable for young readers and sensible minds. It contains graphic sex scenes, adult languages, and situation intended for mature readers only. *Cover photo not mine. Credit to the owner.
