I - FAMILY OLYMPICS

267 6 19
                                    

Soshi's Note: First and foremost, do not read this if you haven't read 'Dating Ken Suson' for this is the sequel kaya malilito kayo sa mga characters. Unahin niyo po munang basahin ang Dating Ken Suson bago ito, Okay? Thanks myluvs :)



INNA'S POV


Dalawang araw na simula nang makabalik kami from France at hindi ko kinikibo si Kuya Artemis.

Manigas siya diyan!

Kapag may kalokohan naman siyang ginawa hindi naman ako nagsusumbong kela Mommy, pero kapag ako....

"Have you prepared your luggage Prinsesa ko?"

Tanong ni Dad ng makitang pababa ako ng hagdanan.

"Yes Dad. Nasaan po si Mom?"

Napansin kong tumingin sa akin si Kuya pero hindi ko ito tiningnan man lang. Magkamukhang-magkamukha naman sila ni Dad. Papasa nga yata silang kambal.

"Hindi na uuwi ang Mommy mo. Sa MNZ Bldg na lang tayo magkikita."

"but how about her things Dad?"

"I already packed it Princess."

Tumango na lamang ako saka bumalik sa kwarto.

Napansin kong umakyat na rin sila Dad. Kukunin na yata ang gamit.

*MNZ Building*

"Hi Superman! How are you handling these two?" Mom kissed Dad on his cheeks pero may pahabol pa si Dad na smack kiss kay Mom!

Todo ang ngiti ko habang pinapanuod ang mga magulang kong malambing pa rin sa isa't-isa. More than 20 years na silang kasal but they are still so inlove with each other. It feels like parang bagong kasal lang sila everyday.

Sana makahanap rin ako ng lalaking kagaya ni Dad. I mean, he never look at other girls kahit noong nawala sa kanya si Mommy, ilang beses silang nagkalayo but they are so loyal with each other.
I really doubt kung may lalaki pang kagaya ni Dad sa panahon ngayon. Yung lalaking napaka-green flag.

"Oh Artemis, bakit ang layo mo naman sa amin?"

Nasa entrance lang kasi ng building si Kuya.

"Hi Ma'am Kyomi, Sir Ken. Pwede po bang magpa-picture sa anak niyo?"

Tumango si Mommy habang all smiles sa akin.

Lumapit naman ang iilang employees ni Mom sa akin para magpa-picture.

Sanay naman na ako lalo pa't isa akong Supermodel simula pagkabata.

"Ang ganda-ganda niyo po talaga Mam Kienna!"

"Salamat po."

"Oo nga Ma'am. Lalo na noong suot mo yung Angel costume sa Eiff----"

"Ah opo hahaha! Naku Maraming Salamat po sa inyo!"

Oh Gosh! Muntik pa akong ibuking ni Ate kela Dad!

Hinawakan ko kaagad ang kamay ng parents ko.

"Pasensiya na po pero nagmamadali kami at kailangan na naming umalis."

Hinila ko na kaagad ang mga magulang ko and I can feel their stares at me. Nang makapasok na kami sa elevator ay nagsalita na si Mommy.

"Ano 'yung sinasabi niyang Angel costume anak?"

"Pfft."

Para akong nabulunan kahit wala naman akong kinakain.
Inirapan ko nga si Kuya. Tatawa-tawa pa siya sa likod.

THE ROYAL LOVE STORY (SB19 Series Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon