XXXIII - FAREWELL

54 3 18
                                    


JHEA'S POV



Life isn't always about rainbows and butterflies, It can be difficult too, just like the weather. Life can give you thunderstorms, tornados and for sure there will be rain, and when it rains, it pours.

Yun bang pupunuin ka, uubusin hanggang sa mamanhid ka na lang at isang araw, magigising ka na lang na wala ka nang naramramdaman.

Just like right now.

I woke up with a nightmare.

Staring at my parents, my sister and my boyfriend.

Should I laugh with their silly jokes?

Talagang nakuha pa nila akong pag-tripan after ng ilang araw akong tulog sa hospital?!

I laugh.

"Please Mom if you're kidding right now. It's not funny." Medyo napipikon kong sagot sa kanila dahil kanina pa silang paulit-ulit.

"But Ate Mom isn't lying! Wala na talaga si Ate Inna and---"

"Hindi ko na nagugustuhan 'yang lumalabas sa bibig mo Kassandra!"

Pinigilan ako ni Daddy dahil sasabunutan ko talaga siya!

How can she be gone?

Parang kagabi nga lang noong magkasama kami.

I was having a fun time and exchanging silly jokes with her.

"Anak."

Namumuo na ang mga luha sa mga mata ni Mommy.

Bigla akong kinabahan dahil doon.

Tiningnan ko ang boyfriend ko pero umiwas siya sa akin.

Pakiramdam ko niloloko lang nila ako!


Prank lang 'to tapos kapag iiyak na ako saka lalabas ang iba at may mga camera pang hawak at pagtatawanan ako!


"Stephen?"

Pati ba siya makukuha akong lokohin?

"I'm sorry Love but it's the truth."

Masama ang loob kong tumingin sa kanila, pero lahat sa kanila ay walang kayang kumibo.


I stormed out of the hospital with a heavy heart!

Iniwan ko sila Mommy sa loob pagkatapos sabihin ng Doctor na discharge na ako.

Mabilis akong pumara ng taxi at nakita ko pang humabol sa akin sila Daddy bago kami makaalis.

Mabilis akong bumaba ng sasakyan at nag-door bell sa gate ng kambal ko, pero ang sabi lang sa akin ng kasambahay nila ay nasa isang Funeral sila Tita Kyomi.

Why would they be there?

Hindi ko maiwasan ang kabahan, na baka nga hindi ito isang prank lang?

Binigay niya sa akin ang address at nang makarating ako sa harap ng isang Funeral Homes ay halos hindi ko makuhang ihakbang ang aking mga paa.

Malakas ang kabog sa aking dibdib for whatever reason.

Ang lahat ng kakilala ko ay narito at nakikiramay. Lahat sila ay nakasuot ng puti.

Mabibigat ang mga hakbang na para bang may kadenang nakatali sa aking mga paa.

Hanggang sa tuluyan na akong makalapit at makita ang nakapangalan sa Deceased.

THE ROYAL LOVE STORY (SB19 Series Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon